^

Pang Movies

Opisyal na Boss Vic, papasok na chief strategist ng TV5

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats kay Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies dahil siya ang hinirang na chief strategist for entertainment ng TV5.

Sa lawak ng karanasan ni Boss Vic, magiging asset siya ng Kapatid Network kaya asahan natin ang pagsigla nito sa 2016.

Noon ko pa narinig ang balita tungkol sa pagpasok ni Boss Vic sa TV5 pero hinintay ko muna na manggaling sa Kapatid Network management ang announcement para hindi ma-preempt ang kanilang plano.

Sa pagpasok ni Boss Vic sa TV5, sure ako na magkakaroon na naman ng mga ali­ngasngas na baka mag-ober da bakod sa Kapatid Network ang mga Viva talent na contract stars ng ibang mga television station.

Bakit kaya?! Jinggoy inurong ang petisyon para suportahan ang anak

Tanging si Senator Jinggoy Estrada lamang ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagbawi niya sa kanyang petition sa Sandiganbayan na payagan siya na lumabas bukas mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kakandidato na Vice Mayor ng San Juan ang panganay ni Papa Jinggoy na si Janella at bukas ito maghahain ng certificate of candidacy sa COMELEC.

Gusto ni Papa Jinggoy na suportahan si Janella at masamahan niya ang anak sa pagpunta nito sa COMELEC kaya nag-file ng petition sa Sandiganbayan ang kanyang mga abogado.

Pero biglang binawi ng mga legal counsel ni Papa Jinggoy ang petition dahil nagbago ng desisyon ang kanilang kliyente.

Si Janella ang running mate ni incumbent San Juan Mayor Guia Gomez dahil tumiwalag ang dating Vice Mayor niya at ito ang kanyang mahigpit na kalaban sa darating na eleksyon.

Mayor Erap at former Mayor Lim, may rematch

Nag-file naman kahapon ng certificate of candidacy si Manila City Mayor Joseph Estrada.

Running mate ni Papa Era si Honey Lacuna dahil tatakbong senador ang incumbent Vice Mayor na si Isko Moreno.

May rematch sina Papa Erap at former Manila City Mayor Alfredo Lim dahil kakandidato uli ito bilang alkalde ng Maynila. Nakatutok ang lahat sa muling paghaharap nina Papa Erap at ex-Mayor Lim dahil sa mga makukulay na salita na kanilang pinakakawalan tungkol sa rivalry nila.

COMELEC dinagsa ng mga artista

Showbiz na showbiz ang atmosphere kahapon sa COMELEC dahil sa pag-apir nina Alma Moreno, Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Senator Lito Lapid.

Nag-sumite si Alma ng kanyang certificate of candidacy, sinamahan naman ni Mama Vilma ang asawang si Senator Ralph Recto na nag-file rin ng COC at sinuportahan ni Papa Lito ang anak na si Mark Lapid na susubukan ang kapalaran niya sa senado, tulad ni Alma. Kasama ni Mark sa COMELEC ang kanyang misis na si Tanya Garcia.

Edu makikipagkita sa mga kaklase nung Kindergarten

Sa maniwala kayo o hindi, dadalo si Edu Manzano sa grand homecoming ng St. Paul’s University sa Pasig City dahil former student siya ng nabanggit na school.

Nag-aral si Papa Edu ng kindergarten sa St. Paul’s Pasig kaya invited siya sa reunion na magaganap sa January 2016.

Tinanggap na ni Papa Edu ang imbitasyon, kahit magiging busy na siya sa pangangampanya. Kakandidato si Papa Edu na senador sa 2016 elections pero hindi pa niya sinasabi ang partido na sasalihan. Suportado ni Luis Manzano ang kandidatura ng kanyang fadir.

vuukle comment

ANG

BOSS VIC

DAHIL

KAPATID NETWORK

MAYOR

MAYOR LIM

MGA

PAPA

PAPA EDU

PAPA JINGGOY

VICE MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with