^

Pang Movies

Cesar naungusan na ng anak na si Diego!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tikom ang bibig ni Cesar Montano nang tanungin siya ng press tungkol sa kanyang mga anak sa estranged wife na si Sunshine Cruz.

Nag-sorry nga si Buboy sa mga gustong makakuha ng sagot pero may gag order daw sa kanya na hindi niya puwedeng pag-usapan ang kanyang mga anak o maging ang kaso na inihain sa kanya ni Sunshine.

Wala naman daw magawa si Buboy kundi ang sumunod na lang kahit na pakiramdam niya ay naging unfair sa kanya ang nangyayaring sitwasyon.

Sobrang nami-miss lang daw niya ang kanyang mga anak at kung may magagawa lang daw siya para makasama ang mga ito ulit, gagawin niya.

Nang tanungin naman siya tungkol sa anak niyang si Diego Loyzaga, sobrang proud naman siya rito dahil napapansin na raw ang husay ng kanyang anak sa pag-arte.

“I am so proud of Diego. Marami na akong nababasa tungkol sa kanya and people approach me at sinasabi sa akin na may pinagmanahan daw sa husay umarte ni Diego.

“Ang sa akin lang naman, my son is doing his job right.

“Noon ko pa naman sinabi sa kanya na kung seryoso siya sa business na ito, he has to prove it, hindi lang sa akin, kundi sa maraming tao.

“Ngayon he’s really doing great at lagi ka­ming nag-uusap niyan kapag hindi siya busy. Siya na ngayon ang mas busy sa akin, eh!” tawa pa ni Buboy.

Kinuwento rin ni Buboy na balak nang bumili ng bahay ni Diego.

“Marunong mag-ipon ang bata, eh. Gusto niyang mag-invest ng mga kinikita niya.

“Tama naman na bahay ang gusto niyang bilhin. Ngayon kasi, he’s staying in my house sa may Scout area in Quezon City para malapit siya sa lahat.

“Nagpapatulong naman sa akin tungkol sa mga gusto niya. Siyempre, anak natin ‘yan at only boy ko na siya. Basta sa maganda mapupunta ang mga pinagpapaguran niyang pera, asahan niya ang suporta ko,” ngiti pa niya.

Excited na nga si Buboy para sa Metro Manila Film Festival movie niya with Maria Ozawa na Nilalang. Matagal na raw kasi siyang hindi nakagawa ng pelikula for the MMFF.

“Huli kong MMFF movie na ako ang bida at producer was Ligalig. That was in 2006 pa. So more than 9 years na ‘yon.

“Na-miss ko ang ganito, eh kaya tinanggap ko ang Nilalang kahit na sabihin pa nilang second choice ako.

“Ang importante ay ako ang nasa movie. Nag-usap naman kami ni Robin Padilla kasi siya ang original choice for the movie. Natuwa naman siya nang ako ang napiling pumalit sa kanya.”

Maria Ozawa na-in love na sa Pilipinas

Hindi inaasahan ng Japanese actress na si Maria Ozawa na mag-i-enjoy siya sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas.

Kahit na nagkaroon ng aberya sa umpisa pa lang ng production ng Nilalang dahil sa pag-backout ni Robin Padilla, naging maayos naman daw ang lahat dahil mahusay na aktor ang pumalit dito na si Cesar Montano.

“Cesar is very charming. He’s such a sweet person and a professional to work with.

“I enjoyed working with the whole crew of Nilalang. I enjoyed everyone’s company and it was such a happy set for everyone,” ngiti pa ni Maria.

Former porn actress sa Japan si Maria, who started doing adult films when she was only 16 years old. Ngayon ay five years na raw siyang retired sa paggawa ng adult films at pinasok na niya ang mainstream cinema.

“I’m too old to do adult films. I’ve stopped doing them for the past five years. That’s why I’ve been doing films in Taiwan and Thailand. Most of them are action films.

“I love doing my own stunts. Here in Nilalang, I sometimes refuse to use a double. I want to do my own fight scenes.

Mukhang na-in love na raw si Maria sa Pilipinas dahil maganda ang treatment sa kanya ng mara­ming Pinoy.

“Do I see myself falling in love with a Filipino? Why not?

“I’ve been single for so long now, I might consider a Filipino for a change,” pagtatapos pa ni Maria Ozawa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUBOY

CESAR MONTANO

MARIA OZAWA

MGA

NAMAN

NGAYON

NILALANG

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with