^

Pang Movies

Aktor naimbyerna sa fadir ng aktres na hindi naman niya type!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naloka ang isang aktor nang ma-meet nito ang tatay ng aktres na ipinapareha sa kanya. Nang magkita ang dalawa, nag-dialogue ang fadir sa aktor ng “Pang-showbiz lang ang love­team n’yo ha?”

Shocked ang aktor dahil hindi naman sila close ng fadir at wala sa isip niya na ligawan ang aktres.

Dahil sa pagiging adelantado ng fadir, dumistansya at nilagyan ng aktor ng limitasyon ang pakikipagkaibigan sa aktres na may sariling isyu sa mga magulang. Ang sey ng iba, hindi favored daughter ang aktres dahil ang mga kapatid niya ang paborito ng kanyang madir at fadir.

Ama ni Jiro, may sakit pala kaya ayaw makipagkita kay AiAi

May sakit pala ang tatay ni Jiro Manio at isa ito sa mga dahilan kaya hindi pa siya nakikipagkita kay AiAi Delas Alas.

Hindi nawawalan ng pag-asa si AiAi na matutuloy ngayong taon ang pagkikita ng mag-ama, bago maging huli ang lahat.

Kapag pumayag ang Japanese father ni Jiro na makilala nang personal ang anak, ililipad agad ni AiAi sa Japan ang aktor na “nakabakasyon” pa rin sa isang wellness facility.

Malapit nang lumabas si Jiro sa facility na kinaroroonan kaya ipinagdarasal ni AiAi na mangyari na ang overdue na pagtatagpo ng mag-ama.

Naniniwala si AiAi na malaki ang maitutulong sa pagbabago ni Jiro ang pakikipagkita nito sa biological father na may mga kinikimkim na sama ng loob sa mga Pinoy dahil sa mga karanasan niya.

Gladys sinabunutan si Ate Guy

Nagsimula na ang taping ni Gladys Reyes para sa Little Mommy ang coming soon teleserye ng GMA 7.

Siyempre, kontrabida uli ang role ni Gladys sa Little Mommy at may confrontation scene sila ni Nora Aunor.

Nakunan na ang eksena na sinabunutan ni Nora si Gladys at karangalan para sa alaga ko na si Nora ang nagbigay sa kanya ng bad hairday.

Isko wala pang partido

Confirrmed na kakandidato na senador sa 2016 si Manila City Vice Mayor Isko Moreno dahil nagdeklara na si Manila Mayor Joseph Estrada na running mate nito sa darating na eleksyon si Danny Lacuna.

Hindi ko pa knows ang partido na sasamahan ni Papa Isko pero sure ako na susuportahan ni Papa Erap ang senatorial bid niya.

Matagal nang nag-iikot sa  buong Pilipinas si Papa Isko bilang paghahanda sa kanyang kandidatura bilang senador.

vuukle comment

ANG

ATE GUY

DANNY LACUNA

DELAS ALAS

GLADYS

GLADYS REYES

JIRO

JIRO MANIO

LITTLE MOMMY

PAPA ISKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with