^

Pang Movies

Tapos na ang pagiging luka-luka, Snooky seryoso na uli sa career

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namamayagpag ngayon ang career ni Snooky Serna.

Regular siya sa My Faithful Husband ng GMA 7 at kasama pa siya sa blockbuster movie ng Viva Films at Iglesia ni Cristo na Felix Manalo.

Masaya nga si Snooky dahil parehong successful ang dalawang projects niya.

Suwerte nga raw na maganda ang ratings ng comeback project niya sa GMA 7.

Sobrang saya naman ni Snooky dahil sa success sa takilya ng Felix Manalo dahil isa na rin siyang Iglesia ni Cristo member ngayon.

Sabi ng aktres, sobrang supportive sa kanya ng mga taga-INC, kaya ganoon din naman ang suporta niya sa mga proyekto ng nasabing relihiyon.

Noong down ang career ni Snooky, maraming mga taga-INC ang tumulong sa kanya.

Marami na nga pala ang nakakapansin na seryoso na uli si Snooky sa kanyang career ngayon at tapos na ‘yung mga panahon na nagluluka-lukahan siya.

Katulad nga pala ni Snooky, nasa GMA 7 na rin ang ka-contemporary niya sa Regal Films na si Dina Bonnevie at naka-cast ito sa Beautiful Strangers.

Pangarap ng fans nila na sana ay kunin din uli ng Kapuso network ang isa pa nilang ka-contemporary na si Maricel Soriano at pagsama-samahin sila sa isang series.

Regine hindi inililihim ang sex life nila ni Ogie

Isa sa mga nakakaaliw na interbyuhin ay itong si Regine Velasquez-Alcasid.

Sa group interview ng misis ni Ogie Alcasid para sa Regine at The Theater series of shows niya sa The Theater ng Solaire Resorts and Casino sa November 6, 7, 20, at 21 ay nausisa na naman siya kung gusto pa nilang sundan ng kanyang mister ang anak nilang si Baby Nate.

Sabi ni Regine, mukhang mahihirapan na kaya hindi na sila umaasa.

Idinagdag pa niyang nagme-make love na lang sila ni Ogie para sa satisfaction na nakukuha nila sa bagay na ‘yon at hindi dahil umaasa pa silang magbubuntis uli siya, dahilan para matawa ang kanyang mga kausap.

Actually, in-explain ni Regine na kahit noong nagbuntis naman siya kay Nate, hindi nila expected ‘yon.

“That time kasi, ginagawa ko ‘yung comedy series ko na I Heart You Pare at dapat, after that, mag-a-undergo na ako ng artificial insemination, pero ayun nga, hulog talaga ng langit at nabuntis ako kay Nate, kaya hindi na kami dumaan sa ganoon,” sey ni Regine.

Hindi nga pala maggi-guest si Ogie sa series of shows niya sa The Theater, pero inaasahan daw niya na isa ang mister niya sa mga susuporta sa kanya at manonood ng show. Baka habang nagsu-show raw siya, si Ogie ang mag-aalaga kay Nate.

Oo nga pala, fan ng AlDub si Nate at sobrang tuwa ng anak nina Regine at Ogie na na-meet na nito si Yaya Dub (Maine Mendoza). Sabi ni Regine, kapag tinatanong si Nate kung ano ang sinabi sa kanya ni Yaya Dub, ang sagot daw ng anak, “Sosyal daw ako at ang sagot ko naman, ‘Weee’.

“Nandoon naman ako, pero hindi ko naman narinig na ganoon ang sinabi ni Yaya Dub, pero ewan ko rin, kasi ‘yon nga ang tumatak sa isipan ni Nate,” sey pa ni Regine.

Sa mga nagtatanong about Regine at the Theater, she will be singing songs from the Musical Theater lisle The Phantom of the Opera, Wicked, Les Miserables, Miss Saigon etc.

For tickets, visit SMTICKETS located at SM Cinemas or www.smtickets.com at puwede ring tumawag sa 470-2222.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FELIX MANALO

MGA

NATE

NGA

NIYA

OGIE

REGINE

SNOOKY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with