^

Pang Movies

Pulitikong sumusustento, umatras Aljur hindi na rin tuloy ang MMFF movie

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malabo na nga talagang matuloy pa ang paggawa ng festival entry na Hermano Pule. Pagbibidahan sana ito ni Aljur Abrenica at si Gil Porte ang director.

Kung nu’ng una ay tsismis na ayaw maglabas ng pera ng producer upang simulan ang shooting, ngayon ay nag-back out nang talaga ito. Public official daw ang biggest investor nito. ‘Yun nga lang, dahil eleksyon na next year, mas ginusto ng opisyal na ga­mitin na lang ang pera sa kampanya.

Eh, nitong katapusan ng buwan ang deadline na ibinigay ng MMFF committee para matapos ang movie. Period movie ito kaya imposibleng matapos pa ang shoot nito. Siyempre, may panghihinayang sa nakabasa ng script dahil maganda raw ito. Pumatok din sa takilya ang historical movie na Heneral Luna. Baka nga naman may chance itong tangkilikin din ng publiko. So kung waley na ang entry nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista at itong Hermano Pule, lumilinaw ang tsansang makasama na ang reserved movies ni John Lloyd Cruz na Honor Thy Father at ang Lakambini nina Lovi Poe at Rocco Nacino, huh!

Naku, itong 2015 MMFF na yata ang okasyong puro problema ang mga entries, huh!

Kahit walong buwan pa lang mag-on Francine feel na feel ang pagpu-propose ng kanong BF

Ipinagmalaki ni Francine Prieto ang engagement ring niya sa kanyang boyfriend na Amerikano na a­ming nabasa sa abs-cbnonline. Caption ni Francine sa Instagram account kasama ang boyfriend, “Yes, Yes, Yo! Purple is a color for the adventurous heart with spi­ritual leanings and flair for drama.” Frank Shotkoski, isang molecular biologist ang name ng boyfriend ni Francine na nakilala through common friend nu’ng December last year, bale eights months na silang mag-on.

“I guess when you meet the right person at ‘yung lahat ng values na gusto mo nasa kanya at kung paano ang treatment niya sa ‘yo.

“And most importantly, kung paano niya i-embrace ang lahat ng tao at ginagawa mo at todo sa ‘yo through think and thin,” pahayag ni Francine.

Kita ng Heneral Luna, kulang pa rin panggastos sa Oscars

Grabe pala ang entries na makakalaban ng He­neral Luna sa best foreign film category sa Oscar Awards next year. Ito ang entry natin sa nasabing award-giving body.

Ayon sa report, 80 movies ang lalabanan ng movie ni John Arcilla para makamit ang inaasam nating tropeyo. Hindi biro ‘yan lalo na’t malaking datung ang kailangan upang mapanood ng hurado ang pelikula. Makabawi man sa takilya ang Heneral Luna, kulang ito upang panggastos sa laban natin sa Oscars, huh!

vuukle comment

ACIRC

ALJUR ABRENICA

ANG

FRANCINE

FRANCINE PRIETO

FRANK SHOTKOSKI

GIL PORTE

HENERAL LUNA

HERMANO PULE

HONOR THY FATHER

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with