^

Pang Movies

Dahil sa pagod, Alden naisipang maglamyerda sa Japan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa man nailu-launch ang album ni Alden Richards sa ilalim ng GMA Records, nanguna na ito sa mga pre-order sales.

Sa October 17 pa ang grand launch ng hinihintay na album na ito ni Alden dahil certified hit single na ang carrier single ng album na Wish I May.

Ilang beses na nilang inawit ito ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Ito na nga ang masasabing love theme nilang dalawa.

Sa katunayan ay ginawa na nga itong title ng bagong pagbibidahan na teleserye nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Kasama rin sa bagong album ni Alden ay ang cover version niya ng God Gave Me You na siyang pinaka-theme song ng AlDub loveteam.

Napaiyak nga ulit si Alden nang i-record niya ang naturang awitin, tulad nang pag-iyak niya noong awitin niya ito ng live sa Eat Bulaga.

Hindi nakakapagtaka kung hindi lang Gold Record Award ang makuha ng bagong album ni Alden tulad ng unang album niya sa Universal Record na ginawa pa niya noong 2013.

Pakiramdam namin ay Platinum Record Award ang matatanggap ng new album na ito ni Alden dahil hindi palalagpasin ng AlDub Nation na hindi sila makakuha ng hindi lang isa kundi maraming kopya ng album na ito.

Nagkaroon din ng chance na makapagpahinga at magbakasyon si Alden pagkatapos ng show nila ni AiAi delas Alas sa Japan para sa anibersaryo ng GMA Pinoy TV.

Sobrang nangarag na si Alden sa magkakasunod na trabaho niya kasama na rito ang shooting para sa pelikulang My Bebe Love para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, mga personal appearances, fans day at recording.

Deserve naman ng Pambansang Bae na magpahinga at mag-enjoy sa kanyang bakasyon.

Nagpadala nga siya ng video message para kay Yaya Dub at gusto niyang hintayin lang siya nito. Kapag natapos na lahat ng commitments niya, hindi na siya ulit mawala sa kalyeserye ng matagal.

Lea at Brad Kane, inawit uli ang theme song ng Aladdin 

Nagkaroon ng reunion si Lea Salonga at ang ka-partner niya sa Disney animated film na Aladdin na si Brad Kane.

Si Brad ang nagbigay ng singing voice kay Aladdin, samantalang si Lea ang nagbigay ng singing voice sa partner nito na si Princess Jasmine.

Naganap ang kanilang reunion sa morning show na Good Morning America.

Inawit ng dalawa ng live ang theme song ng Aladdin na A Whole New World at sinabayan pa sila sa piano ng composer ng song na si Alan Menken.

Nanalo ang A Whole New World bilang Best Original Song sa 1993 Academy Awards. Napanalunan din ng movie ang Best Original Score.

Si Lea ang kauna-unahang Pinay na nakapag-perform ng live sa Oscar Awards. Kasama niyang nag-perform si Brad Kane.

Kumita ng $217 million sa U.S. box-office at $504 million worldwide ang Aladdin.

Magiging perfect sana ang reunion ng Aladdin kung buhay pa ang comedian na si Robin Williams.

Si Robin ang nagbigay ng boses kay Genie at inawit nito ang isa sa unforgettable song sa Aladdin na Friend Like Me.

Female starlet na lulong sa sugal, mahilig mangutang ng alahas kahit walang pambayad

Imbiyerna ang isang alahera sa female starlet na ito dahil hindi raw nito mabayaran ang mga alahas na kanyang kinuha may ilang buwan nang nakararaan.

Ipinakilala raw kasi ang alahera sa female starlet ng common friend nila sa isang party. Noong malaman daw ng female starlet na nagbebenta ito ng alahas, pinapunta raw niya ito sa kanyang bahay para tumi­ngin ng mga alahas.

Dalawang set nga raw ng alahas ang kinuha ng female starlet at nangakong magbigay ng paunang bayad sa araw ng suweldo.

Pero nakailang tawag na raw ang alahera sa female starlet ay panay pangako raw ito parati.

Napag-alaman ng alahera na wala naman palang trabaho ang female starlet kaya hindi ito makabigay ng bayad sa kanya.

Hiniling na lang ng alahera na ibalik ang mga alahas in good condition kung wala itong maibabayad. Um-oo naman daw ang female starlet at ihahatid na lang daw niya ang mga ito sa bahay ng alahera.

Pero hindi raw dumating ang female starlet kaya lalong kinabahan ang alahera. Nang tawagan niya ito, nag-sorry ang female starlet dahil may emergency lang daw kaya hindi siya nakapunta.

Nagbabala na ang alahera na kung hindi pa raw nito ibabalik ang mga alahas ay sa pulis na ito magsusumbong.

Napag-alaman kasi ng alahera na lulong sa sugal ang kinakasama ng female starlet na ito at malakas ang kutob niyang naisugal na ang alahas na kinuha nito.

vuukle comment

A WHOLE NEW WORLD

ALAHAS

ALAHERA

ALBUM

ANG

BRAD KANE

FEMALE

HINDI

ITO

NIYA

STARLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with