^

Pang Movies

Nakakapasyal pa kung saan-saan... Dugyot na male celebrity, binihisan at pinasosyal ng baklang milyonaryo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang laki na nga ng naging improvement sa pisikal na anyo ng isang male celebrity na unang nakilala dahil sa reality show.

Kahit hindi nga siya ang nanalo, siya ang naging target ng mga maimpluwensya at madadatung na mga bading dahil malakas ang sex appeal nito kahit na medyo dugyutin ang hitsura nito.

Pero dahil sa magic na dala ng datung ng isang mayamang bading, ibang-iba na ang hitsura ng male celebrity. Bukod sa kuminis at pumuti ang dating magaspang at sunog na balat nito, gumanda pa ang katawan at nagwu-workout ito sa isang mamahaling gym.

Ang ibang kasabayan nga ng male celebrity ay nagulat sa malaking pagbabago na nito. Kung sila raw ay struggling pa rin kahit na may mga nilalabasan silang mga shows, si male celebrity ay saganang-sagana sa lahat kahit na wala itong pinagkakakitaan masyado.

May sariling townhouse at mamahalin ang kotse ng male celebrity. Panay pa ang post nito sa kanyang Instagram account ang mga lugar na kanyang napupuntahan—mga lugar na alam mong mga may sobra-sobrang pera lang ang makaka-afford.

Kelan lang ay nag-post ito ng photo nang mag-check in ito sa isang penthouse suite ng isang kilalang five-star hotel. Gano’n kabongga ang bading na nag-aalaga sa male celebrity.

At ang maganda rin naman nagawa ng bading na ito ay ang paggamot sa hindi magandang amoy sa katawan ng male celebrity.

Noong kasalukuyang nasa isang show ang male celebrity, ang reklamo ng mga kasamahan nito ay ang amoy nito tuwing napapawisan ito.

Amoy sibuyas na bulok nga raw ang amoy nito kaya walang gustong tumabi sa kanya noon kapag napawisan ito.

Ngayon daw ay nawala na ang mala-imburnal na amoy nito sa katawan dahil dinala si male celebrity ng bading sa isang mahusay na doktor sa ibang bansa.

Halos isang buwan din daw ang naging gamutan dahil maraming pinainom na gamot at pina-detox ang male celebrity para matanggal ang mga toxins sa buong katawan nito.

Ngayon ay amoy baby na raw ang male celebrity at hindi na amoy basurahan kapag napapawisan ito.

Pero ayaw gawing big deal Selena Gomez sumabog na, sakit na lupus at pagpapa-chemo inamin na

Ini-reveal ng singer-actress na si Selena Gomez ang kanyang matagal nang tinagong sakit na lupus at ang kanyang pagpapa-chemotherapy.

Ito ang naging pasabog ni Gomez sa kanyang interview with Billboard magazine na lalabas sa October 17.

 “I was diagnosed with lupus, and I’ve been through chemotherapy.

 “That’s what my break was really about. I could’ve had a stroke.

 “I wanted so badly to say, ‘You guys have no idea. I’m in chemotherapy. You’re assholes.’ I locked myself away until I was confident and comfortable again,” sey pa niya sa interview.

Ang kanyang naging sakit ang siyang dahilan kung bakit ilang buwan siyang nawala noon at kung bakit nadagdagan ang timbang niya.

Ayaw gawing big deal ni Selena ang kanyang pinagdaanang sakit at paggagamot kaya inilihim na lang raw niya ito.

Habang nagpapagamot siya, inasikaso niya ang kanyang music at natapos niya ang kanyang album titled Revival. Lahat daw ng kanyang naging galit at frustration ay ibinuhos niya sa kanyang album.

 “I’m so f--king nice to everybody, and everyone is so vile to me. I’ve been working since I was 7.

 “I’ve been a UNICEF ambassador since I was 17. It’s so disappointing that I’ve become a tabloid story. The hate motivated me,” diin pa niya.

Wala nga raw kinalaman ang ex-boyfriend niyang si Justin Bieber sa pagbuo ng kanyang album. Siya raw lahat gumawa nito kaya very proud siya sa kinalabasan nito.

  

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CELEBRITY

KANYANG

LEFT

MALE

NITO

QUOT

SELENA GOMEZ

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with