^

Pang Movies

Phil Younghusband todo-display sa bagong dyowa na model sa UK

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakahanap na ang Philippine Azkals player na si Phil Younghusband ng bagong girlfriend na pinagmamalaki niya ngayon sa kanyang social media accounts.

Sa Instagram account ni Phil, nag-post ito ng photo na kasama niya ang isang Fil-Spanish model na nagngangalang Mags Hall.

Mukhang ito na nga ang babaeng pinalit na niya sa kanyang puso pagkatapos silang maghiwalay ni Angel Locsin.

Sexy, morena at may hawig sa Hollywood actress na Megan Fox itong si Mags na isang working mo­del sa United Kingdom.

Sa mga post ni Phil, very sweet ang dalawa at sa kung saan-saan sila nakakarating na mga lugar.

May isang weekend getaway sila sa isang resort kung saan naka-swim shorts lang si Phil at naka-bathing suit naman si Mags.

May isang photo naman na pumunta sila sa Harry Potter theme park sa London.

Naging tahimik nga ang lovelife ni Phil noong maghiwalay sila ni Angel Locsin noong October 2013.

Nakipagbalikan kasi si Angel sa dati nitong boyfriend na si Luis Manzano.

Inamin noon ni Phil na nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Angel pagkatapos ng isang taong relasyon.

Sinubukan na makipag-date ni Phil sa aktres na si Bangs Garcia for three months pero wala raw nabuong relasyon sa kanilang dalawa.

Mas na-focus si Phil sa kanyang trabaho at sa sport na football.

Ngayon lang ulit mukhang na-in love si Phil dahil nag-post na siya ulit ng nakakasama niyang babae.

Female starlet na naadik sa pagpaparetoke, hindi nakilala nang lumabas sa isang pelikula

Marami ang hindi na nakakakilala sa female starlet na ito dahil sa sobrang pagpaparetoke ng mukha niya.

Malayung-malayo na raw ang kasalukuyang hitsura nito sa dati nitong mukha noong naging contestant siya sa isang reality competition show.

Halos lahat ng parte ng mukha niya ay binago kaya noong lumabas siya sa isang pelikula kamakailan, walang nakakilala sa kanya.

Nung makita ang pangalan niya sa cast ng pelikula, marami ang nagulat na kasama pala siya sa movie, pero hindi nila ito napansin.

 ‘Yun pala, si female starlet pala ‘yung “da who” actress na biglang lumabas na walang nakakakilala.

Tila na obsess na raw ang female starlet sa pagpaparetoke. Nagsimula raw ito sa pagpaayos ng ilong niya. Hanggang sa sumunod na ang iba’t ibang parte ng mukha niya.

vuukle comment

ANG

ANGEL LOCSIN

BANGS GARCIA

HARRY POTTER

ISANG

LUIS MANZANO

MAGS HALL

MEGAN FOX

NIYA

PHIL

PHIL YOUNGHUSBAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with