^

Pang Movies

Dahil sikat na, Alden tsinitsismis na bading

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsimula na rin ang demolition job laban kay Alden Richards, na hindi naman nila ginagawa noong araw bago sumikat nang ganyan ang AlDub. Kasi noon halos hindi siya pinapansin, kaya walang naninira. Kung iisipin ninyo matagal na rin naman siyang artista pero wala naman tayong naririnig na kung anu-ano. Ngayon matindi na.

May nagkakalat sa mga social media ng mga old pictures ni Alden na may kasamang kaibigan na hindi mo naman maikakailang gay, pero natural lang ang mga ganoong pictures ng mga artista. Basta kasi may lumapit na fan at nag-request na magpa-picture kasama ang isang artista, hindi naman niya mapipili pa kung sino ang makakasama niya sa picture. Oras na mamili siya o tumanggi siya sa picture ang susunod na tsismis naman ay suplado siya.

Iyong mga pictures ng mga artista, ano pa mang klase ng tao, o sino man ang mga kasama nila, hindi iyan magagawang basis para siraan sila o lagyan ng malisya, kasi natural lang sa isang artista iyong nagpapakuha ng pictures kasama ng mga fans.

May mga kumakalat pa, na kesyo si Alden daw ay may mga pictures at sumasali sa mga bikini contests noong araw. Sa natatandaan namin, hindi naman itinago na si Alden ay sumali noong araw sa isang male personality contest. Kaya nga siya na-discover dahil doon eh. Parte na niyang mga personality contest na iyan na may portion na kung saan ang mga kasali ay naka-suot ng swimwear. Hindi sumali si Alden doon sa mga malalaswang bikini contest na ginagawa sa mga gay bars, iba naman iyon.

Iyong sinalihan ni Alden, personality contest, hindi kagaya iyon ng ibang mga contest kunwari pero ang ginagawang selling strategy ay ang paghuhubad ng mga modelo.

Pero talagang ganyan siguro, dahil nagulat sila biglang sumikat si Alden. Hindi siguro nila inaasahan na may makakatapat ang mga sikat na matinee idols ngayon. Noong una kasi hindi si Alden ang ipinu-push ng kanilang network. Iisipin mo nga bang si Alden ang pumutok nang ganyan?

Nag-iba raw ng damit para lumutang Kathryn pinagmukhang back-up dancer ang mga kapwa artista?!

Napansin din namin, isa pang sinisiraan ng mga blogger ay si Kathryn Bernardo. Siguro nai-ing­git din sila dahil iyon ang ka-love team ni Daniel Padilla, at ang kanilang love team ang sinasabing pinaka-established sa ngayon. Bukod doon sa lagi nilang sinasabi na si Kathryn ay natatangay lang ng popularidad ni Daniel, ngayon pati iyong damit niya pinupuna na.

Kesyo sinasabing malakas daw si Kathryn sa kung sino, dahil nang magkaroon sila ng number sa isang show, sorry po hindi namin napansin iyon dahil hindi namin napanood, pinilit daw palutangin si Kathryn kaya iyong damit niya ay naiiba doon sa suot ng mga kasama niya. Pinagmukha raw back-up ni Kathryn ang mga kasama niyang artista.

Kung nagmukha silang back-up, hindi kasalanan iyon ni Kathryn. Iyang mga artista, hindi naman nila halos napipili ang isusuot nila dahil ang naghahanda niyan ay iyong production department ng show. Isa pa, hindi rin naman niya alam kung ano ang isusuot ng ibang kasama niya. Kung naging standout siya dahil sa suot niyang damit, hindi niya kasalanan iyon. Kung naging maganda man ang damit dahil siya ang nag-suot, aba credit niya iyon. Baka hindi ganoon kaganda ang dating noon kung iba ang nag-suot.

Pero ewan nga ba kung bakit parang natural nang basta ang artista ay sumikat, sinisiraan na.

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ARTISTA

DAHIL

HINDI

KATHRYN

KUNG

MGA

NAMAN

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with