^

Pang Movies

Alden at Maine, parang Pops at Martin lang ang dating

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Pati mga kaanak ko sa U.S. at Canada, Dubai at maging ang nasa province ng Pilipinas ay nabaliw na sa tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ng Eat Bulaga sa kanilang kalyeserye sa Juan for All, All for Juan. Pati sila, mga die hard viewers ng noontime show ng GMA 7 ay impressed kina Alden at Maine, pang-alis daw sila ng pagod.

Say ng nasa New York na sina Linda at Manny Ocampo, nakukyutan sila sa AlDub, ask sila kung mayroon nang relasyon ang dalawa.

Si Yaya Dub ay kahawig ni Pops Fernandez. Si Alden naman daw may hawig kay Martin Nievera. Sana raw ay magkatuluyan silang dalawa. Palibhasa fans sina Linda at Manny nina Martin at Pops kaya nag-iilusyon sila na look-a-like ng AlDub ang dalawa.

Bingi na ako dahil kahit saan ako magpunta, sikat na ang pabebeng lola na sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Boy mas naging fresh nang mabawasan ang show

Mas bagay pala kay Boy Abunda ang not too much work sa harap ng camera. E, imposible naman na magbawas ng show, mamili lang ng kung ano’ng klase ng show at timeslot.

Isa si Boy sa pinakamagaling na TV host ng bansa na boses pa lang ay kinatatakutan na ng iinterbyuhin niya. Napakatapang kasi niyang magsalita at very fluent pagdating sa English. Very commanding at marahil kung siya ang leader na nangunguna sa pagsagupa sa kalaban, yuyuko agad ang mga ito at mapapasuko niya.

Nakatulong ba sa kanya ang pagkawala ng The Buzz dahil pati aura niya ay looking fresh? Ang kinis ng kanyang mukha at parang si Susan Roces, ang aktres na nagtataglay ng “the face that refreshes”.

Minana na ni Kuya Boy ang look sa kanyang nightly show na Tonight with Boy Abunda, at chillax ang dating ng fez nito, walang kunot, walang kulubot at naka-smile lang. Tulad din ni Kris Aquino, bongga na ang style niya ng pananamit!

Teka, parang may naglalaro sa isipan namin na tuloy ang pagtakbo ni Kuya Boy sa 2016 sa pagka-gobernador ng kanilang province. Ano’ng napi-feel ninyo?

Angelu totoong nasasaktan kay Sheryl

Maganda ang Buena Familia sa primetime series ng GMA. Kahit naaasar ang mga manonood sa sweet girl na kontrabida.

Napaka-bad din ni Sheryl Cruz sa nasabing serye. Ang ganda ng fez niya pero dahil bad ang role niya since inaapi niya si Angelu de Leon, nagagawa niya nang mabuti ang kanyang role.

Sabagay, kung gusto mong maging magaling na artista, mas lalo kang mahahasa sa pagganap ng kontrabida roles. Pati kasi facial expressions ay mapapakawalan mo.

Sa totoo lang daw, sa Buena Familia ay totohanang nasasaktan niya si Bettina (Angelu) kaya wala silang personalan ‘pag kailangang gawin ang dapat sa harap ng camera.

Happy Birthday…

Happy Birthday Master Showman German “Kuya Germs” Moreno!  No asking of age! Basta, Walang Tulugan! Love you!

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELU

BOY ABUNDA

BUENA FAMILIA

EAT BULAGA

HAPPY BIRTHDAY

KUYA BOY

NIYA

PATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with