^

Pang Movies

Female celebrity na nagiging halimaw na, sinusumpa ng make up artist na trinatong kuting

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Never na makikipagtrabaho ang make-up artist na ito sa malditang female celebrity pagkatapos siyang kawawain sa naging location shooting nito.

Inakala ni make-up artist na mabait at matinong makisama ang naturang female celebrity. Hindi niya inakala na isang halimaw pala ito kapag wala sa harap ng kamera.

Inalagaan sa make-up at ayos ng buhok ng make-up artist na ito ang baguhan palang noon na si female celebrity. Tahimik lang daw ito noon.

Gandang-ganda pa naman si make-up artist sa female celebrity kaya tuwang-tuwa siyang ayusan ito. Kahit na biglaan siyang hatakin mula sa salon ng manager nito, pumapayag siya dahil gusto nga niya ito.

Pero noong sumikat na, doon na raw nag-iba ang ugali nito.

Kung noon ay nakakapaghintay ito sa matagal na pag-ayos sa kanya, ngayon ay nagpapakita na ito ng pagkairita.

Dati-rati rin ay sinasabay siya ni female celebrity noong maliit pa ang sasakyan niya. Daraanan siya nito sa salon para sunduin siya kapag may location taping ito. Ngayon ay kung kelan lumaki na ang sasakyan nito, hindi na siya sinusundo at pinapasabay. Pinagta-taxi na lang siya nito kahit na umuulan at matrapik.

Pero ang hindi makakalimutan ng make-up artist sa ginawa sa kanya ay ang hindi siya patulugin sa loob ng kuwarto nito noong mag-location taping ito sa isang resort.

Binigyan ng solong kuwarto si female celebrity dahil sa request ng manager nito. May kasama raw ito kaya kailangan ng dalawang kama sa kuwarto. Pinagbigyan naman dahil overnight lang naman daw at iilan lang ang artista na nasa location.

Nagulat ang make-up artist nang ipasok nito ang mga gamit niya sa kuwarto ay nakita niya na ang isang bakanteng kama ay pinatungan ni female celebrity ng mga maleta niya. Nag-dialogue lang daw ito ng hindi raw siya sanay na may kasama sa kuwarto, lalo na kung lalake ito.

Hindi maintindihan ni make-up artist ang ibig sabihin ni female celebrity at nilagay na lang niya ang mga gamit niya sa kuwarto. Kinagabihan pagkatapos ng taping ay nauna na sa kuwarto si female celebrity at inaayos pa ni make-up artist ang mga gamit niya. Pagdating niya sa kuwarto ay naka-lock na ito at nakita niyang nasa labas ng pintuan ang bag niya.

Katok siya nang katok pero hindi binubuksan ni female celebrity. Nag-text lang ito sa kanya at may room number na tinext. Doon daw siya in-assign ng manager niya. Inakala tuloy ni make-up artist ay solong kuwarto ito. Nang makarating siya sa kuwarto, laking-gulat niya na staff room pala iyon na parang barracks at kasama niya roon ay ang mga P.A., utility at drivers ng production.

Hindi alam ng mga staff na kasama si make-up artist sa kuwarto nila. Mabuti na lang at may isang kama na bakante dahil may isang P.A. na bumalik ng Maynila.

Naiyak si make-up artist dahil hindi niya inakala na magagawa sa kanya iyon ng female celebrity na paborito pa naman niya. Malaki na ang pinagbago nito kaya masamang-masama ang loob ni make-up artist.

Kinabukasan ay gina­wa pa rin niya ang trabaho sa malditang female celebrity. Hindi man lang nito inalam kung kumportable ito sa tinulugang kuwarto. As in, dedma lang ito.

After ng taping ay sumabay na si make-up artist sa van ng production staff na papauwi ng Maynila. Hindi na siya nagpaalam sa female celebrity dahil sa sobrang sama ng loob niya rito.

Tine-text at tinatawagan siya nito at ng manager pero hindi niya sinasagot. May one extra day pa raw for taping at kailangan siya para sa make-up ni female celebrity. Pero dedma na si make-up artist, yaman din lang at dinedma nito ang kalagayan niya sa taping.

Pinuntahan pa ng manager ni female celebrity ang make-up artist sa salon nito para mag-sorry. Pero hindi na nga pumayag ito na mag-ayos sa alaga nito dahil ginawa raw siyang kuting na itinapon lang sa kalsada. Hindi raw niya kakayanin ang unti-unting pagiging halimaw ng alaga nito.

Hanggang ngayon daw ay walang makasundo na make-up artist ang female celebrity dahil sa papasama na ugali nito.

Simon Cowell at Rita Ora natigalgal sa galing ng pinay group na 4th Power at Neneth Lyons na kasali sa X-Factor UK

Pinatunayan ng Pinoy na nagsa-standout sila sa anumang kumpetisyon.

Sa nagaganap ngayon sa The X-Factor UK, mu­ling pinahanga ng Pinay group na 4th Power ang mga judges sa kanilang cover version ng Titanium ni Sia. Napanganga ang mga judges na sina Simon Cowell, Rita Ora, Nick Grimshaw and Cheryl Fernandez-Versini.

Dahil sa impressive na performance nila, pasok sila sa next round na kung tawagin ay Six Chair Challenge.

Makakalaban ng 4th Power ang 14 contes­tants sa Group Category.

Isa pang Pinay na si Neneth Lyons ay nakapasok din sa Six Chair Challenge.

Ginulat niya ang mga judges sa pag-awit niya ng Proud Mary ni Tina Turner.

Makakalaban naman niya ay 16 contestants sa Overs Category.

Lutang matapos pumila ng 12 hours Katy Perry halos molestiyahin ng lukaret na fan sa stage

Gumawa ng eksena ang isang fan ni Katy Perry nang paakyatin siya ng singer sa stage sa isang concert.

May mga kakaibang pagkilos daw ito at medyo naging uncomfortable si Katy nang paulit-ulit siyang yakapin at halikan nito.

Marami ang nag-akala na baka high on drugs ito or lasing.

Ayon pa sa mga kaibigan ng Brazilian fan na si Rayane, hindi raw ito high or lasing kundi sobra lang daw itong pagod. Pumila raw ito para sa concert ni Katy as early ay 4:30 AM at nasa pila ito for 12 hours straight.   

Kaya noong piliin siya ni Katy, naghalo na raw ang pagod at excitement kaya kung anu-ano na lang ang ginawa nito na parang lutang ito.

Pero appreciate naman ng singer ang effort ni Rayane kaya pinabayaan niya itong yakapin at halikan siya.

vuukle comment

ALIGN

ANG

ITO

LEFT

MAKE

NITO

NIYA

PERO

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with