^

Pang Movies

BF ni Yaya Dub biglang lumitaw

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Marami ang lumalabas na figures pero ang certified number na inilabas ng Guinnes Book of World Records ay 25.6 million tweets sa loob ng 24 na oras. Natural nadagdagan pa iyan, pero diyan na lang tayo sa kanilang certified number na siyang naglagay diyan sa AlDub sa world records para sa taong ito. Nilampasan niya ang isa pang naunang football event sa US na nakakuha rin ng 25 milyong tweets.

Sinasabi nila ang naging urban ratings ng Eat Bulaga noong Sabado ay umabot din sa all time high na 45.7%, huwag na nating banggitin pa ang comparative ratings.

Pero maliwanag sa mga reports na talagang aminin man natin o hindi, lumalabas na balibag ang mga kalaban ng Eat Bulaga noong araw na iyon.

Hindi na kailangang hintayin pa ang mga ganyang resulta. Noon lamang ideklara ng show ang kanilang “national pabebe wave day”, aba eh napakaraming sumunod na ang kanilang mga profile pic ay nagpa-pabebe wave. Kami nga nagulat eh, kasi noong araw na iyon napakaraming ganoong pictures na nakikita namin sa social media. Sabi nga namin, mahirap mong labanan talaga iyong uso. Basta may nauusong gan­yan, hindi talaga dapat sinasabayan. Dapat pi­nababayaan na lang muna. Hintayin nilang medyo humupa ang popularidad at saka nila ilabas kung ano ang the best mayroon sila. Pero sasa­gupain mo ang ganyang popularidad? Talo ka.

Ngayon napansin din namin, lalong tumitindi ang interest ng mga tao kay Yaya Dub. Pati iyong kanyang boyfriend noong high school pa lang siya, lumalabas na ngayon ang pangalan at may picture pa. Isipin ninyong pati iyon ay maimbestigahan pa ng mga fans niya. Kung hindi ganoon katindi ang kanilang interest, bakit naman pati iyong nakaraan ay nire-research pa nila?

Kaya pala ayaw sagutin si Xian, Kim may trauma pa sa panloloko ni Gerald

Inamin ni Kim Chiu na minsan ay “dinaya” rin siya ng kanyang boyfriend. Ang masakit, nang tanungin siya kung ilan na ba ang kanyang naging boyfriend, ang sagot niya ay “isa”. Kaya hindi man tukuyin alam na kung sino ang sinasabi niyang boyfriend niyang nandaya sa kanya.

Noon hindi rin namin maintindihan si Kim Chiu at kung bakit para masyadong bitter siya. Hindi rin namin maintindihan noon kung bakit galit na galit ang kanyang mga fans. Akala kasi namin natural na split lang ang nangyari, iyon pala may mas matinding dahilan. Mayroon palang “cheating” na naganap.

Hindi na siguro tayo kailangang maghintay pa ng kahit na anong paliwanag tungkol sa mga bagay na iyan, after all nangyari na at ilang taon na nga ang nakararaan. Sa ngayon hindi na mahalaga kung ano talaga ang nangyari noon, baka nga mabuksan pa ulit ang mga sugat na iniwan noon.

Ang maganda nga lang, sinasabi rin mismo ni Kim Chiu na pagkatapos noon ay mas naging matibay pa ang kanyang damdamin, at mas natuto na rin siguro sa buhay. Kaya nga hanggang ngayon sinasabi niyang wala pa siyang boyfriend. Kung noon natangay din siya ng kanyang emotions, ngayon lahat ay pinag-aaralan na niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

EAT BULAGA

GUINNES BOOK OF WORLD RECORDS

HINDI

KAYA

KIM CHIU

KUNG

MGA

NOON

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with