^

Pang Movies

Mayor Bistek wala nang balak pakasal kahit kanino

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa bawat taon tinutupad ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang yumaong ina na si Mommy Baby Bautista ang pagbibigay-handog na piging para sa mga kaibigang press people.

Noong araw, ugali na ni Mommy Baby na magpakain sa mga press na dumadalaw sa kanilang house sa New York St. Quezon City. Itinuloy ito ni Mayor na naging malapit din sa press. Naikwento nga niya, hindi na muna siya tatakbo bilang senador para ituloy at tapusin ang kanyang ikatlong term sa pagiging Quezon City Mayor.

Wala raw siyang balak magpakasal sa kahit kaninong girl. Ang bayan muna ang haharapin niya ng todo lalu’t laganap na naman ang krimen.

Hindi pala totoo na nagpapadala siya ng sariwang prutas at mga bulaklak kay Kris Aquino tulad ng napabalita noon.

Ipinagtapat ito ni Mayor Bistek dahil nahihiya siya kay Kris na may ganung balita pero wala naman siya naipapadalang kahit ano.

May movie sila ni Maricel Soriano at ipapalabas na sa October produced ng Viva Films.

Sa tanong kung kanino raw siya pakakasal ay ayaw niyang ibulgar, secret daw. Nagda-diet din pala si Mayor, ayaw niyang uminom ng soft drinks dahil sa takot na magka-diabetes. Si Mayor Bistek ang isa sa natatanging artistang pulitiko na nagbibigay handog sa mga showbiz writer na nagbi-birthday every year. 

JM maraming grasyang pinakawalan

Sayang naman ang oportunidad na ibinibigay ng ABS-CBN kay JM De Guzman. Ipinalit na rin si Jericho Rosales kay JM De Guzman sa project nito para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.

‘Wag dapat niyang tularan ang ibang artista na lumaki ang ulo at kasalukuyang nakanga-nga na lang ngayon. 

Maraming salamat...

Marami pong salamat sa mga naunang nakaalala sa aking birthday sa Sept. 30. Hindi ko akalaing kahit matagal-tagal na ring tayong hindi nagkikita-kita ay naalala niyo pa rin ang birthday ng inyong lingkod. Salamat po.

Happy Fiesta sa mga taga-Sto. Rosario, Baliuag, Bulacan sa Ika-6 at 7 ng Oktubre. Sa pangunguna ng Hermana Mayor na si Ms. Estrella Ramos and Family.

vuukle comment

ANG

DE GUZMAN

HAPPY FIESTA

HERMANA MAYOR

JERICHO ROSALES

KRIS AQUINO

MARICEL SORIANO

MAYOR

MAYOR BISTEK

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOMMY BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with