^

Pang Movies

YFSF contestants todo-tiis para kumita!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdurusa pala ang mga contestant ng Your Face Sounds Fami­liar (YFSF) sa tuwing araw ng taping dahil sa prosthetics na madalas na ilagay sa kanilang mukha. Alas-siyete pa lang ng umaga ay required nang dumating sila sa studio.

Pero kadalasan ay sa hapon pa nagsisimula ang taping kaya tiis silang lahat sa kati sa mukha, na dala ng prosthetics. Idagdag pa riyan ang mga costume at wig kung kinakailangan silang i-overhaul talaga, huh!

May isang constestant na nagsabing worth it naman daw ang pagdurusa nila dahil marami ang nakakapanood sa kanila, huh! Tiis-ganda lang sila alang-alang sa career, huh!

Sam hindi nakapagpigil kay Jennylyn

Bumigay pala nang todo si Sam Milby sa kissing scenes at love scenes nila ni Jennylyn Mercado sa Regal rom-com movie na The Pre-Nup. Kilala kasi ang Fil-Am actor na gentleman sa kanyang mga leading ladies, pero pagdating sa mapangahas na eksena nila Jen ay hindi talaga siya nakapagpigil, huh!

Ang The Pre-Nup ang pinaka-latest na romantic-comedy ng taon. Unang pagtatambal ito ng Kapamilya actor at Kapuso actress. Tanging si Mother Lily lang ang nakakumbinse sa Star Magic na ipahiram sa kanila si Sam, huh!

 “Sam is one of my favorite actors aside from Piolo Pascual. Kaya nga nang pumayag ang Star Magic na ipahiram siya sa akin, feeling ko that time, hihimatayin ako! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Mother Lily.

Ang isang plus point pa ng movie ay ang director nitong si Jun Lana na recently ay nagwagi bilang best director sa isang international film festival dahil sa movie niyang Anino Sa Likod ng Buwan. De kalidad din ang direksyon niya sa Pre-Nup lalo na nga’t ganado sina Jen at Sam sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa lalo na nang mag-shooting sila sa New York City, huh!

Korina nagmaldita raw sa mga mayor ng Pampanga?!

Nasa sentro ngayon ng kontrobersiya si Korina Sanchez, asawa ni Sec. Mar Roxas, sa ilang mayors ng Pampanga ayon sa lumabas sa isang dyaryo.

Hindi nagustuhan ng ilang mayors ang diumano ay kagaspangan ng ugaling ipinakita ni Korina kaya naman ‘yung bola ng basketball na bigay niya ay dumiretso sa basurahan, huh!

Eh, hindi lang daw kasi isa o dalawang beses nagpakita ng hindi nila gustong ugali si Koring. Feeling tuloy ng mga mayors, nabalewala sila sa okasyong sila ang nagpasimuno.

 “Baka mawalan ng boto sa vote-rich province ang asawa niyang si Roxas!” sabi ng isang source na malapit sa mayors.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG THE PRE-NUP

ANINO SA LIKOD

HUH

JENNYLYN MERCADO

JUN LANA

KORINA

KORINA SANCHEZ

MOTHER LILY

STAR MAGIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with