^

Pang Movies

Pinahupa na lang sana Showtime hindi dapat nakipagsabayan sa Eat Bulaga

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kumbaga sa laro ng chess, iyan ay tinatawag na king’s gambit. Iyong ilalabas mo na ang lahat ng baraha mo kumbaga sa sugal. Itataya mo na ang lahat sa pag-aakalang in the end ikaw ang mananalo. Sa nakita namin, ganyan ang naging labanan noong Sabado ng tanghali sa pagitan ng Eat Bulaga at It’s Showtime. Inilabas na ng Showtime ang lahat ng kanilang kartada.

Dinala nila ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sina James Reid at Nadine Lustre, sina Liza Soberano at Enrique Gil, sina Kim Chiu at Xian Lim, pati na si Coco Martin ay itinambal nila sa kanilang discovery na si Pastillas Girl.

In the end, umani sila ng mahigit na anim na mil­yong tweets.

Ang Eat Bulaga, pinagkita finally ang AlDub. Hindi nagdagdag ng artista. Maski ang mayordoma, si Wally Bayola rin pala. Pero in the end, nakakuha sila ng mahigit na 25 milyong tweets sa social media.

Sila ang mas pinag-usapan, at wala kaming kinakampihan ha, mukhang lahat halos ng mga may social media account ang nasa profile pic ay ang kanilang “pabebe wave”.

Actually, noong mga oras na iyon ay nasa biyahe kami papunta sa isang city in the north, at ang palabas sa bus na aming sinakyan ay Eat Bulaga. Natatawa kami dahil hanggang sa bus nagkakagulo ang mga pasahero dahil diyan sa AlDub.

Mas maliwanag sa sikat ng araw. Sa aming paniniwala talo ang nag-king’s gambit. Maski naman sino’ng manlalaro ng chess ang tanungin ninyo, iyan ay delikado at malamang ang talo. Desperate move iyan sa chess. Iyon ang nakita namin sa Showtime.

Ang masakit, nalagay ngayon sa alanganin ang mga love team nila na patok sa primetime. Pero ang dapat nating isipin, guest lang naman sila roon. Ang ginawa nila sa Showtime ay hindi ang forte nila dahil ang gusto ng mga tao sa kanila ay ang kanilang pag-arte. Sabihin nating dahil doon ay hindi nakita ang kanilang full potentials nila. Masyado namang malupit kasi kung sasabihin na lang na silang lahat ay tinalo ng AlDub.

Totoo ang sinasabi nila. Ang AlDub ay novelty, pero iyan ang pinakamahirap na kalaban. Ilang singers ang bumagsak ang popularidad noong mapasukan ni Yoyoy Villame? Ilang box-office records ang sinira ng mga pelikula ni Nora Aunor noong araw na siguradong pagtataasan ng kilay at baka pandirihan pa ng mga kritiko sa abroad?

Huwag ninyong sabihin na mas magaling na actor si Aga Muhlach noong araw kaysa ngayon. Pero iyan ang novelty. Banggain mo iyan, para kang sidecar na binangga ng container van. Ang pinakamagandang strategy sa ganyang laban ay palipasin.

Kagaya rin iyan ng show ni Ate Vilma Santos noong araw, iyong Vilma. Ang hirap tapatan noon kaya ang ginagawa ng mga kalaban, naglalabas na lang sila ng mga shows na ok lang kung mababa ang ratings.

Kasi bakit ka ba babangga doon sa alam mo namang hindi mo kayang talunin? Pero siyempre ang labanan ay para sa supremacy. Iyan ang nagtutulak sa kanila para sa walang kapara­rakang labanan.

May dagdag pa. Iyong malakas ang impluwensiyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na natural lang naman dahil 87% ng mga Pilipino ay kabilang sa simbahang Katoliko, ineendorso ang AlDub dahil sa mga positive values na binibitiwan ni Lola Nidora. Malakas na, may malakas pang endorsement na ganyan, papaano ka pa?

Kung kami ang tatanungin, hintayin ninyong lumipas ang pabebe fever na iyan bago kayo kumilos dahil kung hindi sayang lang ang efforts ninyo.

 

vuukle comment

ACIRC

AGA MUHLACH

ANG

ANG EAT BULAGA

ATE VILMA SANTOS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EAT BULAGA

IYAN

MGA

PERO

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with