^

Pang Movies

Alden at Maine maglalandian na nang harapan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Parang David and Goliath ang labanan ngayong tanghali ng dalawang noontime show. Ang Eat Bulaga ay 36 years nang nagbibigay ng saya at tulong sa mga manonood, here and abroad. Ang It’s Showtime naman ay nasa 6th year na sa October, pero ginawa na nila ngayon sa isang big show sa Araneta Coliseum. Patuloy lamang ang EB sa mga regular segments nila sa show, particularly ang kalyeserye sa Juan For All, All For Juan.

Tampok lamang sa EB ang lahat ng hosts nila, headed by Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ). Sa kalyeserye, tampok lamang sina Jose Manalo (Lola Tinidora), Wally Bayola (Lola Nidora) at Paolo Ballesteros (Lola Tidora) na kilala na ngayon as JOWAPAO, at ang pinag-uusapang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub or AlDub. Pero tatapatan sila ng lahat ng talents ng ABS-CBN.

Ang tanging panlaban lamang ng kalyeserye ngayong Sabado ay ang regalo ni Lola Nidora para sa 10th weeksary nila noong Huwebes, na pumayag na siyang umakyat ng ligaw si Alden kay Yaya Dub na ikinatuwa at ikinasaya nina Alden at Yaya at ng studio audience.

Magaganap ito sa mansyon ng mga lola na ayon kay Lola Nidora, dahil naging mabait at sumunod sina Alden at Yaya sa mga kondisyon niya noong first date ng dalawa, wala na raw haharang na plywood, piring sa mata at alarm clock para hindi matuloy ang pangalawa nilang date at simula ng pag-akyat ng ligaw ni Alden. Maliit na rin ang table hindi tulad noong first date nila na three meters apart sila sa isa’t isa.

Ang pinakahihintay ng fans ay kung maririnig na nga ba ang tunay na boses ni Yaya Dub at mag-uusap at kakanta na sila ni Alden at hindi na sa pamamagitan ng fan signs at dubsmash o lip sync.

For the last three days, may mga boses nang naririnig like “lolaaa;” “lola, lola” at “Alden Alden;” “AlDub you,” then noong Thursday, ang mahabang tawag na “Aldennnn!!”

Tatawagin ding “National Pabebe Wave Day” ang araw na ito na naka-wave ang mga tao sa pagbabatian nila. Ayaw magsabi ang AlDub Nation kung ilang tweets ang target nila, ang sabi nila, “until our hearts content, for the love of Alden and Yaya Dub.” So, tutok na mamayang 11:30 sa Eat Bulaga at abangan kung may sorpresa nga sila sa mga tagasubaybay ng kalyeserye, tulad ng sabi ni Joey de Leon. SkyCable, please be fair, thank you!

Nagkaro’n pa ng dyowa Snooky mas bumait nang maging miyembro ng INC

Natuwa si Snooky Serna nang makasama siya sa bio-epic film na Felix Manalo at gumanap bilang ang eldest daughter ni Ka Felix, na si Pilar. Ayon sa mahusay na actress, lalong nadag­dagan ang paniniwala niya sa Iglesia Ni Cristo (INC) bilang isang matapat na miyembro. Naging personal experience raw sa kanya ang pagsu-shooting ng movie dahil mas marami siyang naunawaan at natutunan, humanga siya nang lubos kay Ka Felix na siyang nagtatag ng INC. Inamin din niyang nagkaroon siya ng right attitude towards work simula nang maging member siya nito, four years ago.

Inamin ni Snooky na may bago siyang boyfriend at almost one year na ang relasyon nila, although matagal na raw silang magkakilala. Hindi member ng INC ang boyfriend niya, paano iyon, ‘di ba dapat pareho sila ng religion? Ita-try daw niyang i-convert ang boyfriend niya, pero kung hindi ito papayag, huwag na lang, hindi raw niya ipagpapalit ang kanyang religion sa kanyang boyfriend.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN ALDEN

ALDEN AND YAYA DUB

ANG

KA FELIX

LOLA

LOLA NIDORA

NBSP

NILA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with