^

Pang Movies

Sino ang sinungaling sa kanila ni Albie? Jaclyn sinabing hindi pa sumasailalim sa DNA testing ang apo na si Ellie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Takang-taka si Jaclyn Jose sa kumakalat na tsismis na nagpa-DNA test si Albie Casiño para malaman nito kung siya nga ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann.

May dahilan para mag-wonder si Jaclyn dahil magi­ging successful lamang ang DNA testing kung may specimen ni Albie ang anak ni Andi.

Nang ma-corner si Jaclyn ng mga reporter sa presscon ng Felix Manalo, siguradung-sigurado siya na hindi pa sumasailalim at never na sasailalim sa DNA test ang kanyang anak at apo.

Nagbitaw ng salita si Jaclyn na siya ang makakalaban ng sinuman na mang-aapi sa kanyang favorite granddaughter.

Umapir si Jaclyn sa presscon ng Felix Manalo dahil may important role siya sa epic movie ng Viva Films.

May karapatan si Jaclyn na mapabilang sa cast ng Felix Manalo dahil miyembro siya ng Iglesia Ni Cristo.

Matagal nang kaanib ng kapatiran ng Iglesia Ni Cristo si Jaclyn na excited nang mapanood ang kabuuan ng Felix Manalo para lalo niyang makilala ang first executive mi­nister ng kanilang simbahan.

Dennis may pagkakapareha kay Ka Felix

In character si Dennis Trillo nang dumalo ito sa grand presscon ng Felix Manalo sa Manila Hotel.

Dahil in character siya, napansin ng mga bisita na may resemblance nga si Dennis sa tunay na Ka Felix Manalo.

Hindi pa ipinapanganak si Dennis nang mamatay si Ka Felix noong 1963 pero nakopya niya ang mga kilos at pananalita ng karakter na kanyang  binigyang-buhay sa pelikula.

Ang sabi ng isang nakapanood sa rushes ng Felix Manalo, nakapahusay ni Dennis bilang Ka Felix.

Gladys manang-mana sa kadaldalan ko

Maabilidad talaga si Gladys Reyes dahil hitting two birds with one stone ang ginawa niya sa Thanksgiving at presscon ng Felix Manalo.

Binitbit ni Gladys sa Manila Hotel ang crew ng MOMents para mainterbyu niya ang mga cast member ng Felix Manalo.

Si Gladys ang producer at host ng MOMents, ang programa niya sa Net25, ang television network ng Iglesia Ni Cristo.

Napapakinabangan ni Gladys sa MOMents ang talent niya sa pagsasalita. Parang namana niya sa akin ang pagi­ging talkative ko.

Matagal nang mga miyem­bro ng Iglesia Ni Cristo si Gladys at ang kanyang pamil­ya kaya kasama  sa Thanksgiving party ng INC sa Manila Hotel ang kapatid at nanay niya.

Isabelle Dabarkads pa rin!

Noon pa nag-babu si Isabelle Daza bilang co-host ng Eat Bulaga pero nananatili siyang kaibigan ng Dabarkads.

Mapapanood si Isabelle sa horror-suspense-movie na Resureksyon na showing na ngayon sa mga sinehan at kahapon, hindi nakalimutan ng Dabarkads na i-remind sa televiewers na kasali siya sa pelikula ng Regal Entertainment Inc. at Reality Entertainment.

Aktor na ginawang bida ng serye, lumaki agad ang ulo!

Lumaki na ang ulo ng isang aktor at mismong ang kanyang manager ang nag­rereklamo sa attitude problem niya.

Nagmamaldito na ang aktor na mabilis na nagbago ang ugali nang mabigyan ng teleserye na siya ang bida.

Hindi na rin type ng mga reporter ang aktor na umiiwas sa kanila sa mga presscon. Ang ginagawa ng mga reporter, dinededma rin nila ang aktor na hinuhulaan na hindi magtatagal sa industriya dahil sa kanyang ugaling mahirap pakisamahan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FELIX

FELIX MANALO

GLADYS

IGLESIA NI CRISTO

JACLYN

KA FELIX

MANALO

MANILA HOTEL

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with