^

Pang Movies

Topher naging emosyonal sa sorpresang paghaharap at pakikipag-ayos sa ex-gf

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mas nakilala ni Angelica Yap aka Pastillas Girl ang isa sa mga manliligaw niya na si Topher matapos lumantad ang ex-girlfriend nito live sa It’s Showtime.

Walang kamalay-malay si Topher na ang ex na si Melissa pala ang humihingi ng payo kay Madam Bertud tungkol sa pagiging possessive at seloso nito na na­ging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Tinawag si Topher sa loob ng studio at laking gulat nito nang bumungad sa kanya ang dating kasintahan.

Tulad nina Pastillas Girl at Enzo, nagkausap ang dalawa at sinagot ang mga tanong na nanatiling bukas sa kanilang mga isipan simula ng sila ay magkahilaway. Nilinaw ni Melissa na hindi niya ipinagpalit si Topher sa iba at sa katunayan ay ilang beses na raw nitong pinaglaban siya sa kanyang mga magulang.

Sa bandang huli, nagkamayan ang dalawa bilang simbolo ng kanilang pagkakaayos at pagtanggap sa paliwanag sa isa’t isa.

Samantala, nagkwento naman si Pastillas Girl tungkol sa kanyang naging relasyon kay Enzo. Bagama’t isang buwan lamang nagtagal ang dalawa, malalim naman ang kanilang pinagsamahan dahil sila ay magkakilala na simula pa noong elementarya.

Sa pagtatapos ng programa, hindi naman nagpalamang kay Topher sina Enzo, na humabol sa studio galing trabaho, at si Jess na bumati rin via live feed mula Bacolod.

Ano pa kaya ang susunod na matutuklasan ng madlang people sa mas gumaganda pang kwento ng buhay at paghahanap sa pag-ibig ni Pastillas Girl?

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA YAP

ANO

BACOLOD

BAGAMA

ENZO

MADAM BERTUD

NILINAW

PASTILLAS GIRL

TOPHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with