^

Pang Movies

Sarah Lahbati bumwelta sa bintang na wala siyang utang na loob

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umani nang negatibong komento ang guesting ni Sarah Lahbati sa Gandang Gabi Vice dahil hindi nila narinig na binanggit niya sa programa ang GMA Network.  Hindi naman maipagkakaila na walang Sarah Lahbati ang showbiz ngayon kung wala ang Kapuso Network na dumiskubre sa kanya sa Starstruck.

Agad naman nagpaliwanag si Sarah sa kanyang Twitter account kahapon tungkol sa negatibong komentong natanggap niya tungkol dito. Narito ang paliwanag ng partner ni Richard Gutierrez.

“Sa lahat ng na-disappoint kung bakit hindi ko in-acknowledge ang network na pinanggalingan ko, ginawa ko po ‘yun, nagpasalamat ako at sinabing wala ako rito ngayon kung hindi sa kanila at sa tulong nila. Hindi ko po alam kung bakit hindi yun umere but appa­rently, the uncut version is on online :) Kindly watch it bago mag-comment ng negative. Good vibes lang po tayo rito :) Salamat po.”

As we all know, lumayas ng GMA si Sarah. Nasa poder na siya ng Viva Ar­tist Agency. Kaya naman nakakalabas na siya sa shows ng ABS-CBN.

Kakabugin daw ang kalyeserye, Showtime sa Araneta magpapasikat!

May benda lang sa ulo si Yaya Dub/Maine Mendoza nang lumabas sa kal­yeserye ng Eat Bulaga kahapon. Sa cliffhanger kasi nagtapos ang episode last Saturday kaya nag-alala ang AlDub Nation na nadisgrasya si Yaya at magkakaroon siya ng amnesia gaya ng nakaugalian na sa mga regular na teleseryes na ating napapanood.

Pero alive and kickin’ na lumabas si Yaya Dub to the delight of the audience sa studio at sa buong bansa!

Eh, kung long table ang pagitan nina Alden at Yaya Dub, aba, pumayag na si Lola Nidora (Wally Bayola) na maiksing table na ang gamitin sa next date nila, huh!

Panlaban ‘yan sa episode ng It’s Showtime na magaganap sa Araneta this Saturday!

Basta bilin ni Lola, wag sisirain ang tiwala ng matatanda sa kanila. Isang value na minsan nakakalimutan na ng kabataan natin ngayon!

‘Yun nga lang, towards the end ng episode, may boses na isang babae na tumawag nang love kay Lola. Hula ng nasa studio, totoong boses na ang ginamit ni Yaya Dub, huh!  At pagkatapos, nakita si Yaya Dub na nakahiga nang walang malay sa semento at dinala ng mga Rogelio sa ospital! Freeze!

Balitang-balita rin na nakarating na sa singer ng God Gave Me You na si Bryan White ang kasikatan ng AlDub loveteam. Lalong sumikat ang kanta ni White nang i-dubsmash ito ni Alden sa kalye­serye pati na sa TV commercial nila ni Yaya Dub.

Eh sa isa naming followers sa Twitter na ang bahagi ng AlDub Nation, ang AlDub Montana, may ipinadala siyang tweet sa amin.  Mula ito sa may account na @KMPresents, na ang ibig sabihin ay Ken MacMeans Presents.

Hinanap namin ang account pero tanging ang tweets nito ang aming nakita:

“Show of hands, how many of you would like to see us bring @bryan_white to the Philippines soon? #ALDUBMostAwaitedDate #AlDUBTrials.”

Heto ang second tweet nito.

“Time to pack those bags @bryan_white the Al-Dub Nation is waiting to hear you sing #GodGaveMeYou live. #PhilippinesTour15. Let’s do it.”

Aba, kung sinuman ang promoter na magdadala kay Bryan White sa bansa, tiba-tiba siya dahil dudumugin tiyak ang concert niya lalo na’t magiging special guests niya sina Alden at Yaya Dub, huh!

vuukle comment

ACIRC

AL-DUB NATION

ANG

ARANETA

BRYAN WHITE

DUB

EAT BULAGA

GANDANG GABI VICE

SARAH LAHBATI

YAYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with