^

Pang Movies

Dahil kay Ryzza Mae, Aiza pinagbabu sa ASAP

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpasalamat ako kahapon sa mga reporter na kasamahan ko sa showbiz dahil sa suporta nila sa Startalk at sa CelebriTV na magsisimula sa darating na Sabado.

Humarap kami kahapon nina Joey de Leon, Ricky Lo at AiAi Delas Alas sa entertainment press bilang presscon nga ng CelebriTV.

Siyempre, pagkatapos ng presscon, nagbabu agad ako dahil pumunta pa ako sa presscon ng The Ryzza Mae Show Presents Princess in the Palace.

May Princess ang title ng feel good morning teleserye ni Ryzza dahil Princess ang name ng karakter niya.

Starring din sa Princess in the Palace sina Eula Valdes, Aiza Se­guerra, Boots Anson Roa, Dante Rivero, Ciara Sotto et.al.

Ang Princess in the Palace ang dahilan kaya hindi muna mapapanood si Aiza sa ASAP ng ABS-CBN.

Ipinagtapat ni Aiza na hiniling ng ABS-CBN management na mag-leave muna siya sa ASAP habang ginagawa niya at umeere sa TV ang Princess in the Palace.

Hindi na nagtanong pa si Aiza dahil naunawaan niya ang sitwasyon. Nagpasalamat pa nga siya sa ABS-CBN dahil anim na taon din siya sa ASAP.

Maganda ang relasyon ni Aiza sa mga katrabaho niya sa ASAP kaya siguradong makaka­balik siya sa show kapag wala nang conflict sa current program niya sa GMA 7.

Bagets ko sa bahay, nagpalit na ng pangalan dahil kay Alden

Convinced na ako na malakas ang karisma at hatak ni Alden Richards sa mga bata.

MJ ang pangalan ng bagets na alaga ko sa bahay. Five years old pa lamang si MJ pero big  fan siya ng Eat Bulaga at ng AlDub.

Simula kahapon, ayaw na ni MJ na tawagin siya sa kanyang pangalan. Nagbago na siya ng name, from MJ to Papi Richards.

Napanood kasi ni MJ sa Eat Bulaga na tinawag si Alden na Papi Richards kaya ito na rin ang type niya na itawag sa kanya.

Mama Boots, in demand sa lahat ng network!

May upcoming teleserye rin si Mama Boots Anson Roa sa ABS-CBN pero pinayagan siya na tanggapin ang Princess in the Palace.

Ang sey ni Mama Boots, maigsi lamang ang role niya sa teleserye ng Channel 2 at wala itong conflict sa Princess in the Palace kaya hindi siya nagkaroon ng problema.

Sosyal si Mama Boots dahil in demand siya ha? Napapanood siya sa mga television show ng GMA 7, TV5 at ABS-CBN.

Rocky at Eula, package deal daw

Balik- showbiz ang model na si Rocky Salumbides na kilala rin bilang love ni Eula Valdes.

Matagal na hindi napanood sa TV si Rocky at bale ang Princess in the Palace ang kanyang television comeback.

Umiral ang malisya ng mga reporter nang malaman nila na magkasama sa isang television project sina Rocky at Eula. May mga nag-isip na package deal ang nangyari pero walang reason para ma-offend ang mag-dyowa dahil mas importante na may mga work sila. Dedma na lang sa mga nang-iintriga. That’s life ‘no!

vuukle comment

ACIRC

AIZA

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

EULA VALDES

MAMA BOOTS

MGA

PAPI RICHARDS

PRINCESS

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with