^

Pang Movies

Alden at Maine, naghalikan na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Dhurizz (Wally Bayola) pala ang nagpadukot kay Alden Richards sa pagpapatuloy ng pinakahihintay na kalye­serye ng Eat Bulaga.  Blindfolded na dinala si Alden sa basement parking area at sinabi ni Dhurizz na galit siya kay Alden dahil ang mahal nito ay si Maine Mendoza aka Yaya Dub samantalang love na love niya ito.  Pinipilit niyang halikan siya ni Alden pero tangging-tanggi ito. Isinara niya muli ang van na sinasakyan ni Alden at ipinadala naman sa kanya si Yaya Dub na naka-blindfold din nang i­lapit sa kanya.

Tilian ang mga fans nang parehong tanggalin ni Dhurizz ang blindfold ng dalawa at nagkatinginan na sila nang malapit, kita mo ang tuwa sa muli nilang pagkikita.  Kaya lamang parehong nakatali ang mga kamay nila.

Tilian sa studio ang mga host at audience nang magkalapit at halos nagkabangga na ang dalawa.  Pina-sip pa sila ni Dhurizz sa straw ng coffee kaya sabi nina Joey at Tito Sen para na rin daw naghalikan ang dalawa.

Mabuti naman at makapagpapalit na si Maine ng damit na suot pa niya noong Saturday, September 5.  Sa Monday, malalaman na kung saan naman dinala si Alden at ano naman kaya ang nangyari kay Lola Nidora. Three times ipinalabas ang McDo TVC nina Alden at Maine sa show.  Congratulations to Jenny Ferre at mga writers ng kalyeserye.

Luis masayang nasa TV5 muna

Masaya si Luis Alandy na after ng lesbian serye nilang The Rich Man’s Daughter, sa GMA-7, may bago na naman siyang romantic-comedy series, ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Fair Lady.  Mabuti pinayagan siya ng GMA na gumawa ng project sa TV5.

“Nakipag-usap at nagpaalam kami ng manager ko sa GMA at pinayagan naman nila ako, since wala pa naman akong gagawing bagong project sa kanila,” kuwento ni Luis.

“First time ko lamang makakasama sina Jasmine Curtis Smith at Vin Abrenica pero maganda ang working relationship naming lahat, kasi nga light lamang ang story namin, at ang director, si Ricky Rivero.”

Bukas na, Monday, September 14, mapapanood ang My Fair Lady sa TV5 9:30 p.m., pagkatapos ng Wattpad Presents.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

DHURIZZ

EAT BULAGA

JASMINE CURTIS SMITH

JENNY FERRE

KOREANOVELANG MY FAIR LADY.

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with