^

Pang Movies

Hindi raw kasi nang-eeklay James at Nadine mas pinapaboran na kaysa kina Daniel at Kathryn

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mas pinapaboran ang James Reid-Nadine Lustre loveteam kaysa kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tuwing nagbabalita ang ilang hosts ng radio station ng DZMM. Masyadong pini-play up ‘yung kilig moments na dala ng lips to lips ng JaDine sa teleserye nilang On The Wings of Love.

Eh sa totoo lang, mas lumalamang nga ang episode ng OTWOL sa trending sa Twitter kaysa sa hashtag ng Panga­ko Sa ‘Yo, huh! Sumasabay ito sa hashtag ng AlDub Nation kaysa sa KathNiel, huh!

Puna tuloy ng ilang entertainment press, “Mas totoo kasi ‘yung kilig kina James at Nadine. Walang pretension! Samantalang ‘yung sa KathNeil, maraming eklat. Hindi maghalikan kung maghahalikan! Hindi ‘yung umaarte pa, huh!”

Sa totoo lang, mas homegrown ta­lent ng Kapamilya Network sina Da­niel at Kathryn habang certified Viva artists sina James at Nadine, huh! Wala kayang umalma sa pabor na ito sa JaDine loveteam?

Sakaling maging bampira Sweet kakagatin ang kargada ni Alex!

Uunahin kagatin ni John “Sweet” Lapus ang director ng Resureksyon na si Borgy Torre kung sakaling bampira ang katauhan niya. Rason ni Sweet sa presscon, “Mataba kasi siya at maraming dugo! Pero kahit mataba, guwapo si Direk Borgy! Ha! Ha! Ha!”

Isusunod daw ng komedyante si Paulo Avelino na guwapung-guwapo siya. “Para malaman ko kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kanya!”

Pero sa isa sa cast na si Alex Castro,  hindi niya ito kakagatin sa leeg kundi sa kargada niyang dinakma sa nakaraang Cosmo Carnival.

“Haping-happy raw ka­si ‘yung bading na nakadak­ma. Bongga raw! Ha! Ha! Ha! Kaya naman doon ko na siya kakagatin para ma-experience rin ‘yung na-experience ng bading! Sarap! Ha! Ha! Ha!” rason ni John habang tawa nang tawa naman sa kanyang pahayag si Alex.

 AlDub solong-solo ang kita, nagma-manage hindi kumukuha ng commission

Hindi na raw magkandaugaga ang service ng mara­ming branches ng McDonald’s hindi pa man lumalabas ang TV commercial ng latest endorser nilang sina Alden Richards at Yaya Dub/Maine Mendoza. Eh, kahapon lang nag-break sa Eat Bulaga ang TVC ng phenomenal loveteam ng taon pero prior to yesterday ay may mga picture na mula sa commercial ang nagkalat sa social media, huh! Chicken fillet ‘yon na bagong produkto ng food chain. Kaya dapat ihanda ng service crew ng mga branch na ‘yun ang oorderin ng fans ng dalawa.

Walang puwedeng manguna sa pagtatagpo nina Alden at Maine ng personal. In fairness, humamig din ng sangkatutak na kilig ang bawat frames ng dalawa. Bumagay pa ang blurb na “Ikaw Ang Aking Mahal…”

Siyempre, maraming advertisers ang nagulat nang maunahan sila ng McDo sa first TVC ng loveteam. Nakapila rin sila sa AlDub dahil alam nilang malaki ang following ng dala­wa, huh! Eh, basta ba maganda ang konsepto ng storyboard at swak ang budget nila sa talent fee ng dalawa, makaka-score rin siya ng oras at pagbibigyan ng namamahala sa career ni Yaya Dub na si Mr. Tony Tuviera.

After all, walang kinukuhang komisyon ang TAPE, Inc. sa mga trabahong dumarating sa nadiskubre nilang talento, huh! True ‘yan, Salve A.! (Wow really? – SVA)

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALEX

ALEX CASTRO

ALIGN

ANG

BORGY TORRE

LEFT

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with