^

Pang Movies

Ibinuko kasi ng fans kahit hindi pa dapat Alden at Maine nagkaproblema raw sa confidentiality ng endorsement

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit nag-issue na ang Eat Bulaga na hindi magagamit ng mga pulitiko ang kanilang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, ngayon pa lamang ay gamit na gamit na ng mga gustong kumandidatong pulitiko ang AlDub. Panay ang banggit ng ibang pulitiko sa kanila.

May problema nga pala ang mga kampo nina Alden at Maine dahil kumalat na ang balitang sila na ang bagong endorsers ng McDo at Talk ‘N Text telecommunications.  Paano na raw ang confidentiality ng contract nila kung lumabas na ang tungkol doon? Kalat na rin ang mga pictures na kuha habang nagsu-shoot sila, lalo na si Alden dahil ang Talk ‘N Text ay laging outdoor ang shoot nila.  Nakunan din si Maine habang nagsu-shoot para sa McDo at nai-post na ito sa social media.  Siguro naman ay maiintindihan ng management na napakasikat ng kanilang mga endorsers at hindi nila ito maililihim.

Katrina excited nang manampal at manabunot ng bading!

Masaya si Katrina Halili sa bago niyang role ngayon as Jasmine Flores, pinsan ni Joey Flores na ginagampanan ni Ken Chan, sa Destiny Rose, ang bagong afternoon prime ng GMA-7.

Sa tanong kung bakit siya masaya sa isang kontrabida role, sagot ni Katrina, for the first time raw kasi, lalaki naman ang aawayin niya. Kaya wala raw siyang pakialam kung sasampalin at sasabunutan man niya si Ken.

“Dati kasi, kapag babae ang kaaway ko sa eksena, iniisip ko pa rin kung ano ang mangyayari sa kanya,” sabi ni Katrina.

“Pero siyempre, kahit lalaki ang kalaban ko, pwede ko rin namang ipeke ang pananakit sa kanya, pero lilitaw pa rin na totoo ang ginagawa ko.  Sa ngayon, wala pa naman kaming eksenang ganito ni Ken pero sa plug shoot namin nakita kong mahusay na actor si Ken.”

Nang ipatawag daw siya para sa Destiny Rose, itinanong niya agad kung ano ang role niya, ang huli niya kasing ginawa ang The Rich Man’s Daughter ay kontrabida rin siya.

Natanong nga pala si Katrina tungkol sa mga candidates ng Starstruck VI na as of Tuesday, seven na ang napipili sa bubuo ng Final 14.  Advice daw lamang niya, seryosohin nila ang mga gagawin nila kung maging finalist na sila.  Noon daw, nang kasali siya sa first batch ng Starstruck, hindi niya sineryoso, siguro dahil hindi siya nahirapan sa audition, napadaan lamang siya noon at tinanong nila kung gusto niyang sumali.  Pumayag daw siya, pero hindi niya sineryoso ang mga ginagawa niya kaya nalaglag agad siya sa Final 14.

Walang lovelife si Katrina pero happy raw siya sa kanyang work, sa kanyang family at sa anak nila ni Kris Lawrence na si Katie. Nanatili raw silang friends ni Kris kahit wala na sila pero halos araw-araw, nagkikita pa rin sila ni Kris at pumupunta ito sa bahay niya para dalawin si Katie.  Kung minsan sama-sama rin silang pumupunta sa church at naiiwanan niya si Katie kay Kris kapag may work siya.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DESTINY ROSE

KATIE

KUNG

MGA

N TEXT

NBSP

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with