^

Pang Movies

Nabaligtad ang mundo, Cherie Gil, kinakawawa na ng mga artista sa eksena!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagal na ring nag-a-artista at humahakot ng awards si Cherie Gil pero ngayon lang ata siya umeksenang niluhuran ang isang baguhang si Gabbi Garcia sa isang episode ng Magpakailanman.

Sobrang tapang pa naman ng mukha ni Cherie pero nagmukha siyang maamong tupang umiiyak sa paanan ng Kapuso starlet na si Gabbi Garcia.

Malaki kasi ang kasalanang ginawa ni Cherie (na gumaganap na ina ni Gabbi) sa anak.

Nakakahanga rin si Gabbi, baguhan pero walang takot makipagsagutan kay Cherie Gil.

Nabilib ang mga nakapanood sa taping kay Gabbi sa confrontation scene nila ni Cherie. Alam ng marami na parang armalite ang bibig ng aktres kapag rumaratsada ito ng dialog, bagay na pinantayan ni Gabbi na lumaban din ng sagutan sa aktres. Samantala, kapansin-pansin na sobrang busy ni Cherie Gil ngayon dahil marami siyang raket.

Hindi rin makakalimutan ang isang eksena niya kasama si Tita Gloria Romero sa The Half Sisters dahil sa sobrang kalapastanganan niya sa beteranang aktres, isang malakas na sampal ang nakapagpatahimik sa kanya.

Wala naman daw itong problema sa kanya dahil sinusunod lang niya ang takbo ng istorya.

No wonder nu’ng mag-guest naman siya sa Bubble Gang ay tinarayan din siya ni Betong sa isang eksena. Nasa America ang parents ni Cherie na dating movie idols na sina Eddie Mesa at Rose Marie Gil.

vuukle comment

ANG

BUBBLE GANG

CHERIE

CHERIE GIL

EDDIE MESA

GABBI

GABBI GARCIA

HALF SISTERS

NASA AMERICA

ROSE MARIE GIL

TITA GLORIA ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with