^

Pang Movies

Bunsong anak ni Marjorie, magtatrabaho na rin!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Kung nagbabalik-showbiz si Mar­jorie Barreto sa serye ng TV5 na My Fair Lady, hulaan ninyo kung sino naman ang susunod sa kanyang yapak?

Well, walang iba kundi ang kanyang bunsong anak na si Claudia.

Both Julia and Claudia are Marjorie’s daughter with comedian Dennis Padilla.

The former couple have a son, na artistahin din.

The boy’s name is Leon.

Alex Medina ayaw maging support lang forever

Unlike, Salve A., his foremost and award-winning actor-dad, Pen Medina, na kuntento na sa mga supporting roles na kanyang ginagampanan, both on tv and in the movies, and his elder brother, Ping Medina, who seems determined to follow Pen’s footsteps, ang pangarap ni Alex Medina ay ang makilala bilang isang leading man.

Aminado si Alex na medyo matatagalan pa bago matupad ang pangarap niyang ito. Bagama’t kung aktingan ang pag-uusapan, ‘di hamak na nakakalamang siya sa kanyang mga kasabayan.

Obvious na ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nawawalan ng project. Right now, gumaganap siya bilang secret lover ni Angelica Panganiban sa trending and high ratings series na Pangako Sa ‘Yo.

Kasama rin siya sa cast ng pinakapinag-uusapan ngayon na Heneral Luna, na mapapanood na nationwide ngayon, Sept. 9.

Sa kanyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash, aminado siyang nadakma ang kanyang private part ng isa sa audience.

Ano kaya ang naramdaman niya? Tanong ni Boy Abunda kay Alex nang mag-guest siya sa Aquino-Abunda Tonight.

Nagkibit-balikat lang si Alex at sina­bing nag-enjoy lang siya at binigay ang kanyang best at ‘expect the worst’ nga raw ang na­ging motto niya ng gabing ‘yun.

Kaye at Nikki pangalawang milyonaryo ng Deal…

Congratulations sa mag-best friends na sina Kaye Abad at Nikki Valdez, na nanalo ng P1-M jackpot nu’ng Monday sa Deal or No Deal kung saan host si Luis Manzano.

Asked what they will do with their respective prizes (obviously a cash prize of less than P500 thou each, minus taxes), sinabi ni Kaye na ipinamahagi niya ito sa kanyang mga pamangkin.

Magdo-donate rin daw ng halaga si Nikki sa kanyang church na kinabibilangan.

Pangalawang tandem sina Kaye at Nikki na nanalo ng P1M from Deal or No Deal. The first two were Direk Joyce Bernal at Bela Padilla.

Beauty lalayasan na ang Ningning?!

Sayang naman kung sakaling “mapuputol” bigla ang tandem nina Ketchup Eusebio at Beauty Gonzales sa nagniningning pa naman na morning  series, Ningning, topbilled by child actress, Jana Agoncillo.

Ang ganda pa naman ng chemistry nilang dalawa. Na maraming nakapansin, when they did together the series, Dream Dad, which also featured Jana.

In Dream Dad, however, ang kapareha ni Beauty ay si Zanjoe Marudo.

Nagsimula bilang komedyante si Ketchup, pero ngayon ay nagkakapangalan na siya bilang comedian na kaya ring gumanap ng non-comedy roles. Nasa cast din siya ng historical movie na He­neral Luna, kung saan si John Arcilla ang bida.

According to Ketchup, he is hoping for the best pa rin for Ningning, kahit, halimbawang, di maiwasang ‘iwanan’ ito ni Beauty.

Ketchup and Beauty play the parents of Jana ni Ningning.

Of Ketchup, he marks his birthday today, Sept. 9.

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ALEX MEDINA

ANG

DREAM DAD

KANYANG

NIKKI

NINGNING

NO DEAL

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with