^

Pang Movies

Si Andi ang bida: Mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa, balik na sa paggawa ng pelikula!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagsimula na pala ang shooting ng Carlo Caparas movie na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Hindi ko alam ang title ng project pero na-sight ng informer ko ang shooting kahapon nina Andi at Jeffrey Quizon sa isang funeral home sa Commonwealth Ave­nue, Quezon City.

Siyempre, naroroon si Papa Carlo at ang kanyang maybahay na si Donna Villa na matiyaga na nakabantay sa shooting.

Matagal na hindi nag-produce ng pelikula sina Papa Carlo at Mama Donna kaya malaking tulong sa movie industry ang pagiging aktibo uli nila.

Isabel Oli, buntis na

May tsismis na buntis na si Isabel Oli pero hindi pa sila nagbibigay ng official statement ng kanyang dyowa na si John Prats na out of the country dahil kasama siya sa show ng ASAP sa London.

Ikinasal sa Batangas sina Isabel at John noong May 2015 kaya believable na preggy na nga ang aktres na hindi ka-join sa London trip ng kanyang asawa. 

Baka nga totoo ang balita dahil tiyak na kasama si Isabel sa London kung hindi siya buntis o maayos ang kanyang pakiramdam.

Alden at Yaya Dub, hindi papagamit sa pulitiko!

Marami ang natuwa sa sinabi ni Senator Tito Sotto na walang kandidato na ipa­ngangampanya sa darating na eleksyon sina Maine Mendoza aka Yaya Dub at Alden Richards.

Happy ang fans dahil hindi raw magagamit ng mga pulitiko ang kanilang favorite loveteam. Ikinatuwa nang todo ng AlDub fans ang pahayag ni Tito Sen.

Pauleen matunog na fiancé na ang tawag kay Bossing!

Kahit nasa magkabilang-panig sila ng mundo, tuloy ang communication nina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Matunog na fiancée na ang tawag ni Pauleen kay Bossing, base sa mga update niya sa social media. May picture pa si Pauleen habang nakikipag-usap kay Bossing sa cellphone.

Si Pauleen ang happiest girl sa mundo dahil sa dami ng mga nakarelasyon ni Bossing, siya ang pakakasalan at magiging official Mrs. Vic Sotto, soon!

Anthony, instant Jr. na!

Anthony Castelo, Jr. na pala ang pakilala sa sarili ng veteran singer/actor na si Anthony Castelo.

Nagsimula ang biro ni Anthony na may Jr. na ang kanyang pangalan nang bigyan siya ng star sa Walk of Fame sa Eastwood, Libis.

Nagulat si Anthony nang makita nito na nilagyan ng Jr. ang pangalan niya sa “star” na ibinigay sa kanya kaya mula noon, Anthony Castelo, Jr. na ang introduction niya sa sarili.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDI EIGENMANN

ANG

ANTHONY CASTELO

ATILDE

ISABEL OLI

PAPA CARLO

PAULEEN

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with