^

Pang Movies

Jennylyn tapos na ang mga pagdurusa, umaani ngayon ng nominasyon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagbubunyi na naman ang mga fans ni Jennylyn Mercado dahil ang dami na namang bagong nominas­yon ng kanilang idolo.

Nominado ang aktres not just once but thrice sa darating na 7th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Music namely; Album of the Year, Pop Album of the Year and Female Pop Artist of the Year para sa kanyang Never Alone album under GMA Records.

Nominado rin siya sa 63rd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards para sa kanyang role as Tere sa English Only Please.

Bukod dito, may bago na naman siyang show in addition to her drama series with Dennis Trillo.

Magsisimula na sa Monday ang Starstruck VI sa GMA-7 kung saan ay mauupo siya bilang council.

This November ay showing na ang PreNup movie niya under Regal Entertainment kung saan ay katambal niya si Sam Milby sa kauna-unahang pagkakataon.

At sisimulan na rin niya next week ang Walang Forever na Metro Manila Film Festival entry at dito ay katambal naman niya si JM de Guzman.

Sa totoo lang, we’re so happy na makita si Jen enjoying the fruits of her labor.

Hindi rin naman biro ang mga pinag­daanang pagsubok in the past ng aktres at maraming dagok na rin ang duma­ting sa kanyang buhay pero ang maganda sa aktres ay nananatili siyang matatag at hindi nagpapatalo kaya naman waging-wagi siya ngayon.

Korina at Mar hindi na halos nagkikita

Ayon kay Korina Sanchez, sa sobrang hectic ng schedule nila ng asawang si Mar Roxas nga­yon, halos hindi na raw sila nagkikita.

“Sa totoo lang, miss na miss na namin ang isa’t isa,” tsika ni ate Koring.

Pareho kasing nag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa ang mag-asawa para sa kani-kanilang adbokasiya kaya magkahiwalay sila ng lakad.

Si ate Koring ay may Handog Tsinelas campaign for Rated K at ang patok na patok niyang Five Secrets To Success na paboritong paksa sa iba’t ibang mga unibersidad at mga paaralan sa buong bansa.

“Exciting at masaya din ang mga talks ko sa mga schools dahil nakaka-refresh kasama ang mga estud­yante. Punung-puno sila ng pag-asa at sobrang positive nila,” dagdag niya.

Si Mar naman ay busy sa pag-iikot sa bansa.

Nakaka-touch naman ang huling pagbisita ni Mar sa Bacolod. Parang nabuhay nga raw ang da­ting titulo nitong Mr. Palengke dahil pinagkaluhan daw ito ng mga tao nang magtungo sa Talisay Market sa nasabing lalawigan.

Pero ang nakakaaliw, sa pag-iikot ng mag-asawa, hindi sinasadyang nagkita sila sa Iloilo. Wala silang kamalay-malay na pareho pala silang nasa isang lugar.

vuukle comment

ACIRC

ALBUM OF THE YEAR

ANG

DENNIS TRILLO

ENGLISH ONLY PLEASE

FILIPINO ACADEMY OF MOVIE ARTS AND SCIENCES

FIVE SECRETS TO SUCCESS

HANDOG TSINELAS

JENNYLYN MERCADO

KORINA SANCHEZ

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with