^

Pang Movies

Malabong magkainlaban Megan katrabaho lang talaga ang turing kay Tom

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Tinitiyak ni Megan Young na walang romansang namamagitan sa kanila ng kanyang kapareha na si Tom Rod­riguez sa MariMar.

Kung sa bagay, both nga naman are taken. Matagal nang may relasyon si Megan sa actor na si Mikael Daez.

Si Tom naman ay balitang nagkakamabutihan ni Carla Abellana.

MariMar is directed by Dominic Zapata na napapanood weeknights sa GMA 7.

Boyfriend ni Pokwang na si Lee adjusted na sa pagiging Pinoy

Ayon sa Amerikanong aktor na si Lee O’Brien, mas kilala ngayon bilang boyfriend ng komedyanteng si Pokwang at Ama sana ng anak ng komedyana kung hindi ito nagkaroon ng miscarriage, Pilipino na siya in many ways. Wala raw pagkaing Pilipino na hindi niya kinakain, kabilang na ang balut at laing, na siyang paboritong lutuin ni Pokwang.

The more gata meron ang laing, the more masarap, saad pa raw ni Lee.

Ang medyo hirap daw si Lee ay ang pagsasalita ng Tagalog pero matalino ang Amerikano. Kaya in time, kahit sa pananalita ay tiyak magiging Pilipino na si Lee.

Pero kung may higit daw na hinahangaan si Pokwang sa boyfriend ay ang magandang pakikitungo sa anak niyang si Ria Mae. Magkasundung-magkasundo ang dalawa.

Eighteen years old na si Ria Mae at siya ay Culinary Arts student sa isang cooking school sa The Fort.

Sa kasalukuyan, tulad ni Pokwang ay busy rin sa Lee with a series. Bida siya sa bagong series ng TV5 kung saan leading lady niya si Tuesday Vargas - ang Kano Luvs Pinay ay magsisimula na sa September 5.

In the case of Pokwang, nasa cast siya ng high rating series na Na­thaniel on ABS-CBN.

Anak ni Alvin Patrimonio hahataw na rin sa pelikula

Nauuso yata ngayon Salve A., ang mga pelikulang tungkol sa ating mga bayani.

Bukod sa currently most-talk most about soon-to-be released movie, Hene­ral Luna, top-billed by John Arcilla, inaasahan ding tatangkilikin ang pelikulang Lakambini which stars naman Lovi Poe in the title role.

Tungkol kay Gregoria De Jesus, or better known as Ka Oryang, Lakambini was her revolutionary named. She is the widow ng bayaning si Andres Bonifacio.

Isa pa ring pelikula tungkol sa isang heroine ay ang Gabriela Silang, na ang bida ay ang baguhang si Tin Patrimonio.

Gabriela, was the wife of Diego Silang. The two of them ay nag-alsa against sa pamamahala ng mga Kastila in the year 1763.

Guess who is playing the role of Diego Silang? Answer: Carlo Aquino, na hinangaan sa kanyang pagganap sa katatapos na series on ABS-CBN, Flordeliza.

Coco gustong baguhin ang masamang reputasyon ng mga pulis

Bukod sa kagustuhan ni Coco Martin na makapagbigay ng tribute sa kanyang hinahangaang aktor na si Fernando Poe, Jr. via Ang Probinsyano, inaasahan din niya na ang series ay magsisilbing daan para mabawi ng mga pulis ang dating malaking respeto at tiwala ng mamamayan.

Aminin man o hindi ng mga kapulisan, naapek­tuhan ang kanilang image dala nga siguro ng kapalpakan ng ilan nilang kasamahan.

Isang pulis ang role na ginagampanan ni Coco sa Ang Probinsyano. Ang maging pulis daw ang dating pangarap ni Coco.

Sa Ang Probinsyano, policewoman naman ang role ni Maja Salvador. Coco’s other leading lady is Bela Padilla.

Ang widow ni FPJ na si Susan Roces ang gaganap na Lola ni Coco.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN PATRIMONIO

ANDRES BONIFACIO

ANG

ANG PROBINSYANO

BELA PADILLA

BUKOD

DIEGO SILANG

PILIPINO

POKWANG

RIA MAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with