^

Pang Movies

The Love Affair extended ang showing sa Amerika

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lang sa ‘Pinas tumabo sa takilya ang pelikulang The Love Affair nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo.

Tagumpay din ‘yun sa maraming bansang pinaglalabasan ng pelikula.

Sa Amerika nga, extended ang showing ng The Love Affair.

Malaking tulong sa showing ng pelikula sa Amerika ang extended promotions nila sa TFC (The Filipino Channel).

Halos kada gap ng shows na ipinalalabas sa TFC ay ipinalalabas din ang trailer at iba pang promo materials ng pelikula.

Lovi parang si Roco lang din, lihis sa lifestyle ang business

Parehong business-minded ang mag-sweethearts na sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Kung si Rocco ay may boxing gym kasosyo ang ilang mga kaibigan at tapsi restaurant franchise at iba pang mga negosyo, si Lovi naman ay kasosyo sa Cable Car Bar/Restaurant sa may The Fort Strip sa may The Fort, Taguig City.

Soon, magkakaroon naman sila ng isa pang branch sa may Ortigas Center na silang mga magkakaibigan ang may franchise.

Although hindi na umiinom si Lovi dahil healthy lifestyle na siya, tuwing Huwebes naman ay regular siyang nagpupunta sa Cable Car para tumulong sa pagpapatakbo no’n.

Ayaw kasi ni Lovi na basta kasosyo lang siya pero wala naman siyang alam sa negosyong pinasok.

“Usually, Thursday night, nasa Cable Car ako sa The Fort. Pero kapag may taping ng Beautiful Strangers ng Friday, hindi naman ako masyadong nagpupuyat.

“Ngayon kasi, healthy lifestyle na rin ako. I don’t drink at mas gusto kong maagang matulog, kaya kahit nasa Cable Car ako, hindi naman ‘yung puyatan at okay naman ‘yon sa ibang partners namin sa business,” pahayag ni Lovi.

Ang pagpasok nga pala ni Lovi sa pagbi-business ay hindi raw nangangahulugang dahil naghahanda na siya sa pag-aasawa.

Kailangan lang daw talagang mag-business din siya para hindi lang sa kanyang showbiz career aasa at may maganda ring investment sa kanyang mga kinikita.

Siya nga pala, ‘yung teleserye nilang Beautiful Strangers ay maganda rin ang feedback, kaya naman natutuwa si Lovi.

Masaya raw siya na kasama sa Beautiful Strangers ang kaibigang si Heart Evangelista, kaya kahit pareho silang busy ay nakakapag-bonding pa rin sa set.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA ALONZO

BEAUTIFUL STRANGERS

CABLE CAR

CABLE CAR BAR

DAWN ZULUETA

FILIPINO CHANNEL

LOVE AFFAIR

LOVI

NAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with