^

Pang Movies

Lahat ng tanong sinasagot Lea active na active sa sex education!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Disappointed ang isa sa mga coach ng The Voice Kids na si Lea Salonga dahil sa mabagal na pag-implement ng RH Law o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354).

Tatlong taon na kasi ang nakalipas noong gawing batas na ang RH Law. Pero pakiramdam ni Lea na hindi ito nagiging topic of discussion lalo na sa mga kabataan ngayon.

Sa Twitter nga nagsimula si Lea ng kanyang pag-discuss noong nakaraang August 27 tungkol sa RH Law at ano ang mga dapat malaman ng mga kabataan tungkol sa batas na ito.

Heto ang ilang tweets ni Lea sa kanyang mga followers:

“What if you no longer have an RH choice?”

“RH = reproductive health. The bill was passed already. Now it’s about implementation.”

“My push on RH is sex education. My fear is that our young people will not be educated in ways of their reproductive health & rights.”

“RH Health covers the spread of STDs. It’s not just about contraception, but disease prevention. And the numbers are up.”

“Girls, remember: once you start your menses, YOU CAN GET PREGNANT. #RHLaw#DefendRH

Marami ngang nakuha na reaction si Lea mula sa kanyang 3 million followers on Twitter.

Marami ang nagtanong sa kanya tungkol sa RH Law at sinagot naman ito ng maayos ni Lea.

Hangad lang ni Lea ay ang ma-educate ang maraming kabataan ngayon tungkol sa kanilang reproductive health at kung paano nila haharapin ito.

Sa pang-uurirat sa nalaglag nilang anak ni Neri, Chito naimbyerna sa bastos na reporter 

Hindi raw nagustuhan ni Chito Miranda ang pag-quote ng isang reporter sa interview nito sa kanyang misis na si Neri Naig tungkol sa nangyari ritong miscarriage na may dalawang buwan nang nakaraan.

Nabasa raw ni Chito ang naturang interview ay tila “heartless and insensitive” daw ang pagkakagawa ng istorya.

Wala naman daw balak na ikuwento ni Neri ang tungkol sa pagkakalaglag ng kanilang baby ni Chito dahil masyado pa raw itong nasasaktan sa pangyayari.

Sa isang press conference raw kunsaan naroon si Neri ay pinagsabihan na ang mga naimbitahang media na huwag na itanong sa aktres ang tungkol sa miscarriage nito.

Pero may isa raw reporter na nagtanong pa rin at sinagot ito ni Neri dahil ayaw niyang lumabas na dine­dedma niya ang tanong nito.

Nag-post nga si Chito ng kanyang mensahe sa Instagram bilang suporta sa kanyang misis at para maintindihan ng marami ang lungkot na pinagdaraanan nilang mag-asawa.

“It is true that we lost our baby a few months ago. Pinili lang namin na wag na lang pag-usapan publicly kasi it was something that we’d rather deal with privately kasi sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na para kay Neri. But in spite of everything, Neri chose to remain positive, fighting through her depression. That’s how strong my wife is. Being strong doesn’t mean that one has the ability to feel no pain. Being strong means being able to fight through pain no matter how difficult things get. I love you Ms. Neri!”

Justin Bieber marunong nang magpakumbaba

Sa pag-launch ng bagong single ni Justin Bieber na What Do You Mean?, pinaparamdam ng Canadian popstar na malaki na ang pinagbago niya at hindi na siya ‘yung privileged spoiled brat na nasaksihan ng maraming tao three years ago.

Simula pa noong pumasok ang 2015, nagsimula na si Bieber na mag-apologize sa kanyang mga nagawang mali. Nauna na siyang nag-sorry sa mga taong nasak­tan niya sa show ni Ellen DeGeneres at gumawa pa siya ng isang video na pinost niya sa Facebook.

Natutunan na raw niya ang ibig sabihin ng humi­lity.

Ayaw na nga raw balikan ni Bieber ang mga ginawa niyang mga kalokohan, lalo na ang nangya­ring DUI at misdemeanor arrest sa Mia­mi, Florida noong 2012.

Doon daw nabuksan ang kanyang mga mata na kahit na isang sikat siyang personalidad sa buong mundo, isang pagkakamali lang ang makakasira sa kanyang buong pagkatao.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIEBER

CHITO

CHITO MIRANDA

JUSTIN BIEBER

KANYANG

MARAMI

MGA

MS. NERI

NERI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with