^

Pang Movies

Ibinunyag na kinukuwartahan siya ng nagnakaw ng P3-M Paolo nag-sorry sa pamilya at mga nasaktan sa kumalat na mga sex video

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isang taon na nga ang nakaraan nang kumalat ang mga sex videos ni Paolo Bediones.

Naging tahimik lang noon ang TV host, pero nagawa na niyang magsalita ngayon tungkol sa pangyayaring iyon sa buhay niya na naging dahilan kung bakit tinanggal siya bilang news anchor ng Aksyon Tonight ng TV5.

Ikinuwento niya ang mga pangyayari sa podcast ni Mo Twister na Good Times with Mo sa Digital 5.

Sa kuwento ng 41-year-old TV host, ginawa raw niya at ng kanyang girlfriend at that time ang mga sex videos gamit ang kanyang MacBook laptop five years ago pa. Nakalimutan na raw niya ang tungkol dito.

Noong ipaayos daw niya ang kanyang laptop sa binilhan niyang store, hindi alam ni Paolo na dinala pala ito sa isang technician sa Greenhills. Noong i-check niya na na-disable ang kanyang password, doon na raw siya kinabahan.

“I let about three months pass. While I was doing radio in Novaliches, I received snail mail and there were screen caps of the video. The message was ‘tawagan mo kami, mainipin kami pero madaling kausap then he left a number. I borrowed my PA’s phone, called the number and they were demanding for P3 million or they’ll send the video out.

“I don’t want to talk to the PNP or the NBI. They can make a big deal out of this, people will know that there’s actually a video. I kept quiet.

“I would pray at night, ‘I hope it doesn’t come out.’ I would wake up in the morning and hope this is not the day.”

Lumabas nga ang unang sex video noong July 27, 2014. Nasundan pa ang paglabas ng lima pang sex videos.

Dahil daw sa eskandalong ito, sinabihan siya ng TV5 na mag-file siya ng leave mula sa pagiging news anchor.

“I understand that it was difficult for people to watch the news with me in my suit and thinking of something else. Huwag na tayong magplastikan. There were no hard feelings that I was taken out and replaced as an anchor,” diin pa niya.

Umiwas si Paolo na mapag-usapan ang tungkol sa sex videos dahil alam niyang mahirap na muling maibalik ang dating wholesome image niya sa publiko.

Natuto siyang magtago sa maraming tao at ang kanyang pamilya lang daw ang siyang tanging kinakausap niya.

“Ang pinakamasakit, ‘yung may nasaktan ka… I’ll take this opportunity, I never got to say sorry to my family for obviously the shame that I brought to them for that period of time.

“They’ve always been there for me, no matter what, in good times and bad, even the viewers, the fans.

“From the bottom of my heart, if I disappointed anyone, I’m really sorry and I know that what I did was not a crime but these things just happen. They happen to the best guys, they happen to the worst guys.”

Iniwan kasi sa ere Drama actress binura na sa buhay ang ex-BF na drama actor

Dine-delete sa kuwento ng drama actress na ito ang tungkol sa naging maigsing relasyon niya sa isang drama actor. Bigla raw kasing nawala ito at hindi na nagparamdam sa kanya.

Muntik nga raw maging suwail na anak si drama actress dahil sa drama actor na ito. Binola raw siya nang husto ng lalaking ito.

“Kahit saan naroon ang drama actress, nararating ng aktor para dalawin siya. Kaya doon pa lang, nahulog na ang loob ni drama actress.

“Tapos laging may dalang flowers si drama actor. Kaya si drama actress, para­ting kinikilig. Kaya naman kaagad siyang na-in love,” kuwento ng aming source.

Pero nadismaya lang daw ang drama actress sa drama aktor dahil hindi man lang daw siya nito ipinaglaban sa kanyang pamilya. Bigla na lang daw itong naglaho.

“As in, nawalang bigla si drama actor at nag-abroad. Iniwan niya ang drama actress sa ere. Basta nag-give up na lang ito at iniwan siya,” sey pa ng aming source.

Kaya hindi nga maku-consider ni drama actress na naging ex-boyfriend niya ang drama actor dahil bigla na lang itong nawala at hindi na nagpakita sa kanya.

Sandra Bullock ibinabalandra na ang bagong boylet

Namataan na may bagong boylet na dine-date ang Oscar winning actress na si Sandra Bullock sa naganap na wedding nina Jennifer Aniston at Justin Theroux.

Ayon sa isang Hollywood source, ang dine-date ng 51-year-old actress ay isang photographer.

“Sandra’s boyfriend is very attractive. He’s super hot but also super normal. She’s clearly happy with him.”

Nakikita raw na kasama ang naturang boylet ni Sandra kapag pinapasyal nito ang 5-year-old son niyang si Louis.

“He is with Sandra and Louis every day. They go to the museums or the zoo.”

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

AKSYON TONIGHT

ANG

DRAMA

KAYA

LANG

NIYA

SANDRA BULLOCK

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with