^

Pang Movies

Megan ipinapaalam pa rin sa Miss World ang bawat galaw

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – May permiso ng Miss World organizers ang paglabas ni Megan Young bilang MariMar. Siya ang unang Ms. World ng bansa at hanggang ngayon ay pinapaalam pa rin ang projects na gagawin niya.

“Aware naman sila (sa MariMar) and they’re very happy sa projects ko ngayon sa GMA-7 at sa magiging projects pa,” saad ni Megan nang makausap ng press.

Hindi naman daw mabagsik ang limitations na nakasaad sa kontrata niya.

“Huwag lang pong bastos!” katwiran ng beauty queen. “Basta in good taste!” dagdag pa niya.

Bukod sa acting at sensuality workshops na ginawa bago simulan ang Mari­Mar, kumuha rin siya ng diving lessons.

“Ako, takot sa open water. So nang mag-diving lessons kami sa may twelve feet na pool. Tapos sa ilalim noon, meron kaming scuba gear. So ang gagawin ko, kukuha ako ng hangin mula sa dulo. Tapos, I’m gonna hold my breath, pupunta ako sa kabila.

“Eh, pagpunta ko sa kabila, parang may nakaharang! Doon sa may mask. So, oy, tubig! Ano ang nangyari? Tapos, gusto ko nang umakyat. ‘Yung trainer ko, talagang hinawakan ako. Sabi niya, ‘No! Stop! Stop! Just take off the string.

“Gusto niya, kahit may mangyaring mistake, lalagpasan ko rin!” kuwento ni Megan.

Tom handa nang ibalandra ang bukol!

Si Tom Rodriguez ang bagong Sergio sa buhay ni MariMar ngayon. Magi­ging sex object na naman siya dahil sa TV plug ng series, wala siyang kiyemeng ipakita ang katawan!

Eh, pagdating kay Megan, ipinagdidiinan niya seksing-seksi sa kanya ang Miss World winner.

“’Yung hindi magsasabi na sexy si Megan, siguro, kailangan nang magpa-check ng mata!” diin ni Tom.

Nagsama na sina Tom at Megan sa isang show last 2011 sa Dos. Kaya nandoon na ‘yung rapport nila. Kaya walang problema sa kanilang kung palabasin ang pagiging senswal nila.

“Kailangan eh. Whatever our characters and our director will say, we will have to do it!” rason ng aktor.

Kaya naman kung sakaling hilingin si Tom na magsuot ng trunks sa beach, hindi na siya mag-iinarte pa, huh! After all, hindi naman big deal sa kanya ‘yung magdispley ng bukol gaya ng ginawa niya sa Bench!

Alden marunong din mangilala at magpasalamat!

Pinasalamatan ni Alden Richards through text si Direk Joey Reyes dahil sa sinulat nitong huli sa kanyang blog. “How many young actors will do that considering we’ve met only once?” tweet ng award-winning director.

Mensahe pa Direk Joey, isang role model si Alden dahil sa kanyang manners, gentility at politeness na ipinapakita ng aktor. Wish nga niya, sana ay maging katulad ng aktor ang mga young performers natin.

“He has earned even more of my admiration as a role model for others!” saad pa ni Direk Joey sa Twitter.

Mabibilang na kasi sa mga daliri ang mga kabataan nating artista na marunong magpasalamat sa magagandang naisusulat ng press. Dedma lang sila pero kapag nakakanti ay lumilitaw ang pagiging halimaw, huh!

Agree kami kay Direk Joey dahil nakaranas din kami ng pasasalamat mula kay Alden sa aming mga naisusulat, huh!

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DIREK JOEY

DIREK JOEY REYES

KAYA

MARI

MEGAN

MISS WORLD

NIYA

TAPOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with