^

Pang Movies

Maja nakakandado pa rin ang puso, wala pang balak buksan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mariing “hindi” ang sagot ni Maja Salvador nang tanungin siya ng entertainment press kung nanligaw ba dati sa kanya si Coco Martin.

Hindi siya nagkaroon ng chance or hindi talaga?

“Walang chance, may boyfriend ako nu’n, eh,” natatawa niyang sagot.

Matatandaan kasing na-link sila noong ginagawa nila ang Minsan Lang Kita Iibigin at ang boyfriend noon ni Maja ay si Matteo Guidicelli. It could also be remembered na nagkasuntukan pa ang dalawang aktor sa Star Magic Ball because of Maja.

Ngayon ba, may chance na since magkakasama sila sa Ang Probinsiyano at pareho silang single?

“Naka-lock pa po kasi ‘yung puso ko ngayon. And wala pa pong taping, nag-pictorial pa lang kami. Trabaho po muna kami ni Coco.

“Hindi naman madadali ang gagawin naming eksena kasi parehas kaming pulis tapos siyempre ‘yung mga hindi araw ng taping namin, may kanya-kanya kaming trabaho. Bahala na, kumalma muna tayo. Tingnan po natin kasi ngayon, ang focus ko muna trabaho talaga,” sabi ni Maja.

Hindi pa ba siya ready to fall in love again?

“Hindi mo naman mapipigilan ang pag-ibig. Matatanggal na lang (ang lock) ‘yan kapag nandiyan na talaga,” sabi ng aktres.

Arjo todo ang papuri kay Coco matapos sintasan ang kanyang sapatos

All praises si Arjo Atayde kay Coco Martin na kasama niya ngayon sa Ang Probinsiyano. First time nilang nagkatrabaho at talagang wala raw siyang masabi sa King of Drama.

“The best. Napakabait na tao, wala akong masabi, napakabait! He’s such a humble person na hindi siya nahihiyang sabihin sa akin na “ang ga­ling mo!” after a scene. Hindi siya nahihiya. Kung magaling ka, he acknowledges you.”

Ano ang naramdaman niya nang sabihin ni Coco na magaling siya?

“Sobrang saya ko kaya, di ba, Ma, tumawag pa ‘ko sa ‘yo?” say niya sa inang si Sylvia Sanchez na katabi niya at pinatunayan naman ito ni Ibyang.

Say nga ng ina ni Arjo, tumawag nga raw sa kanya si Arjo at kinuwento na pinuri siya ni Coco.

“Sabi niya, sobrang bait daw ni Coco, sobrang hindi insecure at talagang na-feel niya ‘yung sincerity. Kaya raw pala successful si Coco kasi nga, sobrang bait at napaka-humble,” kwento ni Ibyang.

Ayon pa kay Arjo, hindi raw niya akalain na may ganito pa palang artista ngayon.

Sa bawat araw nga raw na nakakasama niya si Coco ay lalo niyang nakikilala kung gaano ito ka-humble na minsa’y ito pa ang nagtali ng sapatos niya.

“Hindi ako pwedeng mag-bend, tatalian ‘yung sapatos ko. Ang layo ng wardrobe. Yumuko si Coco, tinalian niya ‘yung sapatos ko. Sobrang bait!” kwento pa ni Arjo.

Sa Ang Probinsiyano ay si Arjo ang gumaganap na kontrabida ni Coco at sobrang sama raw ng kanyang role niya rito.

“Ito na yata ‘yung pinakamasamang role na nagampanan ko so far. Sobrang challenging talaga. Pero may background naman ito na hindi pa ipapakita, later pa. Pero ang ganda ng story, napakaganda,” he said.

Samantala, natanong namin kay Arjo kung ano na ang nangyari sa balak niyang panliligaw kay Alex Gonzaga na nakasama niya sa Pure Love at aniya ay hindi na raw niya naituloy.

“Mas okay na friends kami. So far, so good, nagkikita kami once in a while, kasama ang Pure Love group, kumakain-kain kami. Let’s keep it that way na lang,” sabi ng aktor.

Wala raw siyang nililigawan ngayon at mas gusto niyang mag-focus sa trabaho at sa iba pang bagay.

“Okay naman ‘yung takbo ng career ko, inaalagan naman ako (ng ABS-CBN), saka I’m doing business naman din. So far, focus muna ako sa mga bagay-bagay na kailangan.

“Later on na (ang love), I’m not thinking about it now. Pero kung magkaroon, eh di magkaroon. But for now, focused ako ngayon sa mga bagay-bagay for myself,” pahayag pa ng aktor.

Coco kailangan munang makapasa sa lola ni Julia

Nakitang magkasama sina Julia Montes at Coco Martin sa premiere night ng The Love Affair kaya lalong umiingay talaga ang spekulasyon na may espesyal silang pagtitinginan.

Natawa na nga lang si Julia nang sabihing nag-date sila ni Coco that night.

“Date talaga?” natatawang say ng young actress.

Kung sakali bang ligawan siya talaga ni Coco, ready na rin ba siya para i-entertain ito?

“Paano ba? Siguro, paalam muna siya sa lola ko,” natatawa pa niyang sagot.

“Ang hirap sabihin dahil super close talaga kami kaya hindi ko masabi na, sige, ready na. Siguro go with the flow lang din at hindi ko naman maikakaila na siya talaga ang close ko ngayon,” dagdag ni Julia.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSIYANO

ARJO

COCO

COCO MARTIN

HINDI

JULIA

NIYA

SIYA

TALAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with