^

Pang Movies

Confirmed na berde ang dugo! Male celebrity ‘di nakapagpigil, nakipagtsuktsakan sa male model sa CR ng sosyal na mall

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi mapigilan ng pamintang male celebrity ang kanyang pagiging mapaglaro. Kahit pala sa public places ay wala itong takot na makipaglaro sa kanyang panunukso sa mga lalaki.

Kuwento ng aming source na noong una ay ayaw niyang maniwala na bading ang male celebrity na ito at baka raw sinisiraan lang ito.

Pero napatunayan niya nang masaksihan sa akto ang kabadingan nito. “Nakakaloka siya, hindi na siya nahiya. Talagang pinatunayan niya na isa siyang reyna! Banyo Queen pala siya!”

Sa isang male comfort room ng isang sosyal na mall nagkakalat ng kanyang kakatihan ang pamintang male celebrity. May showbiz event kasi na nagaganap sa naturang mall kaya lahat ng tao ay tutok sa mga artistang dumarating.

Kaya siguro naisip ni male celebrity na mangbiktima siya sa CR dahil pihadong walang tao roon. “Nataon na nasi-CR din ako. ‘Yung pinakamalapit na CR ay sa may bandang likod na malapit sa sinehan. Hindi ko nga alam na may CR pala dun kasi tago siya,” kuwento ng source namin.

“Eh pagpasok ko, nakita ko sa salamin na may dalawang lalaki sa may urinal at nasa dulung-dulo pa sila. So ibig sabihin may nagaganap na milagro kasi magkatabi pa sila ng urinal. Kaya ang ginawa ko, sa cubicle na ako pumasok.
“Pagkalabas ko, aba, hindi pa sila tapos at nandoon pa rin sila sa kinalalagyan nila.

“Eh parang na-curious ako kasi parang mga cute itong mga baklang ito. Kaya paglabas ko, may-I-wait ako sa kanila sa hallway. Hindi naman nila ako nakita kasi busy silang exploring ang mga churva nila, ‘di ba?”

Naghintay nga ang aming source ng higit na five minutes sa labas ng CR. Wala naman daw ibang pumapasok. Noong finally bumukas ang pinto, huli niya na ang nababalitang bading na male celebrity ang isa sa mga lalaki na nasa urinal.

After niya ay lumabas naman ang isang male model na maraming commercials at naghu-host ng isang lifestyle show sa isang cable channel.
“Nakumpirma ko tuloy na bading siya. I swear, lumabas ang bakla na namumula ang hasang. May ginawang milagro sa public toilet!
“In fairness sa male model, guwapo siya pero may nababalitaan nga akong may malansang amoy din sa kanya. Siguro nagtagpo ang kakatihan nila kaya hindi na sila nakapaghintay. Mga bakla talaga, walang takot!”
Mas kinaloka ng source namin dahil nalaman niyang host sa second part ng naturang event sa mall ang male model at special guest performer ang bading na male celebrity.

“At least, nakaraos na silang dalawa!” natatawang pagtatapos ng source namin.

Dra. Pie pinagtatawanan pa rin ang sakit daw niya

Nagsara na pala ang Calayan clinic sa Beverly Hills, California kaya naman napapanood na ulit sa TV si Dra. Pie Calayan.

Paliwanag ni Dra. Pie kung bakit nagdesisyon sila ni Doc Manny na isara na lang ang clinic nila roon ay dahil wala nang mag-aasikaso nito.

“Kasi nga ‘pag nandito ako tapos walang magte-take over doon, wala na ring pupunta sa clinic. Gusto nila ako, ako ‘yung hinahanap.

“Kaya we decided to close the shop dahil gusto ko na for good ako nandito with my family.

“Nandito na rin sa Pilipinas ang dalawang anak namin na sina Andrea at Bernice. Si Hannah lang ang nasa Canada dahil doon siya nag-aaral,” sey pa ni Dra. Pie.

Five years ding nanirahan sa Amerika si Dra. Pie at nabalita may kung ano’ng sakit daw ito kaya doon siya nagtago.

Pinagtawanan na lang ito ng doktora dahil wala naman daw katotohanan iyon.

“Natatawa na lang kami. Kasi magkakasama kami doon. Tapos makakabasa ka ng ganun tapos alam mo na hindi totoo so kami ng mga bata, tawanan nang tawanan.”

Sinamahan kasi ni Dra. Pie ang kanyang mga anak na nag-aral sa Amerika. Gusto rin niyang magpahinga ng matagal dahil sa naranasan niyang stress dito noon sa Pilipinas.

“Gusto ko lang mag-rest. Tamang-tama, mag-aaral ‘yung mga bata so dun na rin ako.

“Hindi ako nagkasakit. Alam n’yo naman sa showbiz, ‘pag hindi ka nakikita, iba na ang interpretation nila.

“I was there for my kids at dahil din sa Calayan clinic,” diin pa ni Dra. Pie na host ng health show na Healthcetera with Doc Manny sa GMA NewsTV.

Ariana Grande at Miley Cyrus pasok sa mga pinakainaayawang celebrities sa Hollywood!

Nanguna sa listahan ng Most Disliked/Hated Celebrities 2014-2015 in America ang American comedian na si Bill Cosby dahil sa mga akusasyon sa kanya ng rape at pag-drug sa higit kumulang na 40 women.

Pumangalawa naman ang singer na si Ariana Grande dahil sa ginawa niyang eksena sa isang doughnut shop.

Nasa third spot naman ang lifestyle show show na tinatawag na isang “racists” na si Paula Deen.

Pang-apat ang singer na si Robin Thicke dahil sa kanyang pagiging isang cheating husband sa ngayon na ex-wife niyang si Paula Patton. Nadamay din si Thicke sa plagiarism scandal ng hit song niyang Blurred Lines.

Pang-lima naman si Miley Cyrus dahil sa kanyang over-exposed na nipples on her social media accounts.

Kasama pa sa Top Ten ay sina NeNe Leakes, Judy Reyes, Robert Griffin III, Adrian Patterson at Dr. Oz.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

DAHIL

DRA

HINDI

KAYA

MALE

MGA

NAMAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with