^

Pang Movies

Final battle nina Richard at enchong magaganap na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Masasaksihan na ang Final Battle ng Kapamilya heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee ngayong Linggo (Agosto 16) sa pagtatapos ng kanilang Wansapanataym special na My Kung Fu Chinito.

Sa pagtuklas nila sa kasamaan ni Mr. Chua (Atoy Co), magsasanib-pwersa ang mag-ama na sina Chairman Tai (Richard) at Diego (Enchong) upang matuldukan ang mga krimen sa kanilang lugar.

Magtagumpay kaya sina Chairman Ta at Diego na mapanitili ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang bayan? Maituturo nga ba nila kay Mr. Chua na higit na mas mahalaga ang pagmamahal ng pamilya kaysa sa kayamanan at kapangyarihan?

Kasama rin nina Richard at Enchong sa kanilang  Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado.

Huwag palampasin ang Final Battle nina Richard at Enchong sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito  ngayong Linggo na sa ABS-CBN.

Asia’s Songbird, makikipag-bonding kay Marimar  

Ngayong Sabado (Agosto 15), isang umagang puno ng kwentuhan at tawanan ang hatid ng Sarap Diva dahil special guest ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang pinakabagong Marimar ng Kapuso Network at Ms. World 2013 na si Megan Young.

Bukod sa kwentuhan, tuturuan ni Regine si Megan kung paano gumawa ng isang soup-based recipe na perfect ihanda ngayong tag-ulan. Ibabahagi naman ni Megan sa manonood ang ilang practical solutions para maging fresh at dry tuwing umuulan.

Samantala, sa pagpapatuloy ng free shopping treat ng Sarap Diva sa kanilang loyal viewers, sasamahan ni Regine ang isang incoming freshman at scholar mula sa De La Salle University na mamili ng kanyang gagamiting mga damit sa pasukan.

Lahat ng iyan ay mapapanood sa Sarap Diva ngayong Sabado, 9:45am pagkatapos ng Dragon Ball Fight! Presents.

vuukle comment

AGOSTO

ANG

ATOY CO

CHAIRMAN TA

CHAIRMAN TAI

CLARENCE DELGADO

DAVID CHUA

ENCHONG

FINAL BATTLE

MR. CHUA

SARAP DIVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with