^

Pang Movies

Mariel nakakaawa sa video ni Robin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kinunan ni Robin Padilla ng video ang moment of truth, ang pagsasabi ng doktor ni Mariel Rodriguez na nawala ang triplets nila.

May mga humihiling kay Robin na ipakita nang buo ang makabagbag-damdamin na ultra sound video.

Kung ako ang tatanungin, huwag na lang dahil nakakaawa ang kalagayan ni Mariel na umasa na matutuloy na ang kanyang naudlot na pagbubuntis noong March 2015.

Insensitive na kung ipapakita pa na lu­muluha si Mariel sa video. Ipagdasal na lang natin na matanggap niya ang malungkot na pangyayari, kahit napakabigat nito sa kalooban. Isama na rin sa dasal na mabiyayaan na ng anak ang pagsa­sama nila ni Robin.

Mariel balik-Happy Wife sa pagkawala ng triplets?

I stand corrected. Sa January 2016 pa pala ang first anniversary ng Happy Wife, Happy Life ng TV5.

Tungkol pala sa third season ng morning show ng Kapatid Network ang presscon na ipinatawag kahapon.

Mga host ng Happy Wife, Happy Life sina LJ Moreno, Danica Sotto-Pingris, at Gelli de Belen.

Mga original host ng show sina LJ at Danica. Natsugi ang dalawa sa kanilang mga co-host na na­sang­kot sa isang video scandal. Hindi sex scandal ha?

Si Mariel Rodriguez ang ipinalit sa mga natsugi at pasaway na co-host pero hindi rin siya nagtagal dahil nagpunta sila ni Robin Padilla sa Spain hanggang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis sa triplets.

Alam na nating lahat ang malungkot na balita na nakunan si Mariel noong Thursday night.

Ang tanong, babalik pa ba siya sa Happy Wife, Happy Life dahil temporary replacement lamang si Gelli?

Raymart at Claudine sabay nang nakakapunta sa eskuwelahan ng kanilang anak

Nakita na magkasama kahapon sa school na pinapasukan ng kanilang anak na si Santino ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ang sighting sa mga nagbabanga­yan na mag-dyowa ang pruweba na magkasundo na sila, alang-alang sa ka­pakanan ng kanilang mga anak.

Grade 3 pupil na si Santino. Umapir ang mag-asawa sa selebrasyon kahapon ng Linggo ng Wika sa school na pinapasukan ng kanilang anak na lalaki.

Marami ang nag-rejoice dahil all’s well that ends well sa pagitan nina Raymart at Claudine, lalo na ang fans nila na nawindang sa mga eskandalo na pinagdaanan ng relasyon ng mag-asawa. Wala nang liligaya pa sa mga anak nina Claudine at Raymart dahil magkasundo na ang mga madir at fadir nila.

Alden wini-wish na hindi yumabang

Hottest actor of the hour si Alden Richards dahil sa AlDub loveteam nila ni Yaya Dub.

I am very very sure na nadagdagan ang mga raket ni Alden dahil sikat na sikat siya at ang loveteam nila ni Yaya Dub.

Natalbugan ni Alden nang hindi sinasadya ang kapwa aktor na sumikat noon pero lumaki ang ulo at nag-ilusyon na superstar.

Missing in action na ang aktor at hindi na nababanggit ang panga­lan, as in ako na lang yata ang nakaka-remember sa kanya. Irrelevant na ba siya sa showbiz?

Ang huwag magbago ang ugali ni Alden at manatili na nakaapak sa lupa ang mga paa ang wish ng mga tagahanga niya para hindi mangyari sa kanya ang naging kapalaran ng pasaway na aktor na nag-feeling sikat.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

MARIEL

MGA

RAYMART

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with