^

Pang Movies

Kalye sa Maynila nabulabog, Yaya Dub sumabit sa jeep!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabulabog kahapon ang mga pedestrian at motorista sa Aurora Boulevard dahil hindi nila expected na makikita nila nang personal sina Yaya Dub at Alden.

Nawindang ang mga tao nang ma-sight nila na sumabit sa isang pampasaherong jeep si Yaya Dub na nakasuot ng powder blue na gown.

Hindi pa sila nakaka-recover sa pagkagulat, bigla na lamang sumulpot si Alden na basang-basa.

Nagsigawan ang mga usisero dahil nag-akala rin sila na magtatagpo na sina Yaya Dub at Alden. Mali ang kanilang akala dahil hindi naabutan ni Alden si Yaya Dub.

Saludo talaga ako kay Papa Joey de Leon dahil siya ang nag-imbento ng kalyeserye. Literal na kalyeserye ang mala-Romeo and Juliet na kuwento ng Aldub loveteam dahil nangyayari ang lahat ng ito sa kalye.

Loveless pa rin at 32 Mark Bautista wala pa ring nakikitang babaeng seseryosohin

Napanood ko kahapon ang appearance ni Mark Bautista sa Power House, ang programa ni Kara David sa GMA-7.

Inamin ni Mark na nanligaw siya noon kay Sarah Geronimo pero walang nangyari dahil mas mahigpit noon ang mga magulang ng aking favorite singer-actress.

Bagets na bagets pa kasi noon sina Mark at Sarah kaya naging magkaibigan lamang sila. Hanggang ngayon, best of friends pa rin ang dalawa, kahit may Matteo Guidicelli na si Sarah at loveless naman si Mark.

Ikinuwento ni Mark na naging girlfriend niya noon ang ex-beauty queen na si Gwendoline Ruais pero tumagal lang ng isang taon ang kanilang love affair dahil sa kanyang busy schedule.

Nag-celebrate si Mark ng 32nd birthday noong August 10 at wish niya na mahanap ang perfect woman para sa kanya dahil ready na siya na lumagay sa tahimik. Kakaiba si Mark sa lahat ng mga mhin dahil mga babae na confident at malakas ang personality ang type niya.

Kumapit kayo… Susan Roces magsasalita sa pagkandidato ni Grace Poe

Buong tapang na sasagutin ni Susan Roces sa susunod na linggo ang lahat ng mga isyu na may kinalaman sa kanyang anak na si Senator Grace Poe.

Looking forward ang marami sa pagsasalita ni Manang Inday na matagal na nanahimik tungkol sa mga isyu na ipinupukol sa pamilya niya.

Hindi ko palalampasin ang pakikipagtapatan ni Manang Inday sa mga miyembro ng media dahil interesado ako na marinig ang kanyang mga sagot tungkol sa sari-saring isyu. Hindi uso kay Manang Inday ang mga off the record kaya talagang kaabang-abang ang pagsasalita niya.

Kristoffer at Joyce magba-babu na sa ere!

Kahapon ang last taping day ng Healing Hearts, ang afternoon soap ng GMA-7.

Ang ibig sabihin, malapit nang mag-babu sa TV ang drama series na pinagbibidahan ng loveteam nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Tumagal ng tatlong buwan sa ere ang Healing

Hearts dahil nagsimula ito noong May 11, 2015. Hindi pa sinasabi ng Kapuso Network ang show na ipapalit sa timeslot ng Healing Hearts.

Pamilya ni Yaya Dub, nauna pang ma-sight ng personal si Alden

In full force kahapon ang pamilya ni Yaya Dub sa Broadway studio ng Eat Bulaga bilang suporta sa production number niya sa Bulaga Pa More.

Hindi nangyari kahapon ang pinakaabangan na pagkikita nina Yaya Dub at Alden pero nakilala na nito nang personal ang pamilya ng dalaga.

Nakipag-picture taking kay Alden ang pamilya ni Yaya Dub na tuwang-tuwa sa kanya. Naunahan pa si Yaya Dub ng kanyang mga kamag-anak na makilala ang Prince Charming niya.

vuukle comment

ANG

DAHIL

DUB

HEALING HEARTS

MANANG INDAY

MARK

MARK BAUTISTA

MGA

STRONG

YAYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with