^

Pang Movies

May sakit sa puso? Sharon laging pagod kahit walang ginagawa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Humiling ng dasal si Sharon Cuneta sa kanyang mga fans at kaibigan dahil naka-confine siya ngayon base sa post niya sa kanyang Facebook account kahapon. Tatlong linggo na raw kasi siyang inaatake ng matinding ubo to the point na nahihirapan na siyang huminga!

After ng huling post ng Megastar sa Facebook account niya nu’ng nasa Thailand siya, ibinalita niyang bumiyahe rin siya sa Tokyo at Amerika. Naging bahagi siya ng concert ni Rey Valera at ABS-CBN Philharmonic Orchestra at binigyan ng tribute sa ASAP last Sunday. That time, ubo na siya nang ubo kaya sa sumunod na araw, nagpa-check up na siya sa Cardinal Santos at kahapon nga ay nagpa-admit na siya sa St. Luke’s.

Naka-post sa Facebook niya ang braso na naka-dextrose. “Arrrgh!!!” ang caption ni Shawie na ikinabahala ng kanyang fans at nagpaabot ng dasal at get well soon na bati.

Ayon daw sa resulta ng doctor, meron daw allergic rhinitis si Sharon dahil sa bacterial infection. Komo nga apektado rin ang pag­hinga dahil sa ubo, nag-undergo siya ng 2D Echo test sa cardiologist nang dalhin siya sa ospital.

Ang deskripsyon ng Megastar sa ubo niya ay “hard” kaya nawiwirduhan din siya. Sa simula ay tahimik lang ang pagdale ng ubo pero kapag umatake ay nagiging bayolente ang epekto sa kanya. Pinanghihinaan daw siya ng katawan!

Higit niyang inaalala ang kanyang puso. “At least it’s fixable and right now they’re just figuring out how much of a dosage I would need of my meds to keep the rate normal,” saad ni Sharon.

Maayos naman daw ang ginawang CT scan sa kanya dahil walang negatibong sinabi ang kanyang doctor.

“Please, may I request you all to pray for me? I miss my babies so much and want to be nowhere else but home right at this moment Please pray that whatever else is wrong with me that hasn’t been diagnosed is diagnosed soonest, and that I am given the right meds so that I can get well and go home and go back to work?

“Thanks so much and I hope all of you are okay. I miss you. God bless you all and lots of love.”

Narinig namin kasing by September ay magsisimula na ang second season ng Your Face Sounds Familiar kung saan isa muli siya sa judges.

Get well soon, Megastar!

Cambodian fans nina Andrea at Mikael, hindi nagpatinag!

Na-delay ng flight papuntang Cambodia sina Andrea Torres at Mikael Daez upang dumalo sa mo­vie premiere ng ginawang TV show na Blood In Dispute (BID). Pero hindi natinag ang fans nilang naghihintay sa kanila na kahit magutom at manigas ang leeg sa kahihintay sa mga idolo ay hindi umalis sa airport.

Mula kasi nang ilabas ang GMA-7 series nina Andre at Mikael na Sana Ay Ikaw Na Nga roon ay nagkaroon na sila ng fan based doon. Naging dahilan din ‘yon upang makipag-tie up ang Cambodian TV Network sa GMA-7 upang gawan ng series ang dalawa na most shot in Cambodia at partly dito sa atin.

After ng movie premiere ng BID, mapapanood ‘yon sa Cambodia bilang TV series at dito sa atin, magiging mini-series ang konsepto nito.

vuukle comment

ACIRC

ANDREA TORRES

ANG

BLOOD IN DISPUTE

CARDINAL SANTOS

FACEBOOK

MEGASTAR

MIKAEL

MIKAEL DAEZ

PHILHARMONIC ORCHESTRA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with