^

Pang Movies

Dingdong hindi natiis na ‘di kasama si Marian

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nagpakabog sa ratings ang unang telecast ng Sunday PinaSaya last Sunday sa katapat na ASAP 20. Take note na hindi lang sa Metro Manila at Luzon pinanood ang comedy variety show ng GMA-7 kungdi nationwide, huh!

Sa naglabasan na ratings ng National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), nakakuha ng 9.2 percent ang show nina AiAi de las Alas, Ma­rian Rivera, Jose Ma­nalo, Wally Ba­yola, Alden Richards at iba pa.

Ayon kay AiAi, hindi ang pagku-concert ang konsepto ng show. Alam nilang hindi nila kayang gawin ‘yon kaya naman pinatindi nila ang comedy parts ng programa.

Ang pinakamalaking sopresa ay ang presence ni Ding­dong Dantes upang batiin ang advance happy birthday ang asawang si Marian. Hindi scripted ‘yon, huh!

Pero ang nakakaaliw sa ASAP, nag-guest din sila ng mga comedians upang pantapat sa komedyante ng SP. Sad to say, hindi sila nakatulong, ‘no?

Kailangan ng make-over dahil sa buhok, young actor napapagkamalan nang tibo

Nawawala na raw ang cuteness at kagwapuhan ng isang young actor. Nagma-mature na kasi siya kaya lumalamlam na ang interest ng ibang tao ayon sa ilang showbiz observers.

Eh ang nakakaaliw na obserbasyon, nagmumukha na siyang kamukha ng isang kilalang tibo sa showbiz, huh!  Ha! Ha! Ha!

Depensa naman ng isang writer na gusto ang young actor, nagbago ang mukha ng young actor dahil sa style ng kanyang buhok. Kung bagay sa young actor ang ayos ng buhok niya nu’ng nagsisimula, ngayon ay hindi na raw!

Gayunpaman, naniniwala naman ang defender ng young actor na kapag binago ng huli ang style ng buhok niya eh lalabas muli ang appeal nito, huh!

Sa ngayon ay mabenta pa ng teen actor sa TV, movies at commercials. Once mawala na ang mga ito, maging conscious na ang namamahala sa career niya upang maisalba nito, huh!

Marian may bonggang paandar sa fans!

Likas talaga kay Marian Rivera ang mapagmahal sa fans. Aba, heto’t siya ang nagbigay ng thanksgiving mass at fans day para sa kanyang masugid na tagahanga kahapon, huh! Take note na sosyal ang pinagdausan ng kanyang fans day dahil ginawa ‘yon sa Makati Sports Club, huh!

Naku, marunong talagang tumanaw ng utang na loob si Yan Yan sa mga taong nagluklok sa kinalalagyan niya ngayon sa showbiz. Eh, kahit wala si­yang regular na programa at ilang sandali nalang siyang mananatili sa Sunday PinaSaya dahil malapit na siyang manganak, pinili pa rin niyang pagbigyan ng tagahanga na nagmamahal sa kanya.

Nakadalo na kami ng fans’ day ni Marian. Punumpuno ng kasiyahan ‘yon at may mga games. Hindi rin siya napapagod magpakuha ng pictures with them na sure na mauulit muli.

Minsan nga, mas nauuna pang makaalam ng balita ng fans tungkol kay Yan Yan kesa ang movie press, huh! Tsinika nila minsan sa kanilang social media account na may ginawa nang baby show para sa anak nila ni Dong.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ALDEN RICHARDS

ANG

HINDI

HUH

JOSE MA

MAKATI SPORTS CLUB

MARIAN RIVERA

METRO MANILA

YAN YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with