^

Pang Movies

Jana tatlu-tatlo ang tatay

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Natakot pala si Jana Agoncillo, ang munting bituin ng bagong teleserye na Ningning kung saan siya title role. Siya rin ang batang gumanap na anak ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad. Nag-worry si Jana nang tanungin siya kung sino para sa kanya ang “best dad” - si Zanjoe o si Ketchup Eusebio na dad niya sa Ningning. Ang sagot ng bagets, si Ketchup. Pero noong presscon ng Dream Dad, si Zanjoe ang best dad para sa kanya.

Tiyak tutok na naman ang televiewers lalo na ang mga nanay, at mga young ningning sa bagong serye ng ABS-CBN na almost weeks nang umeere. Kapag tinatanong ngayon si Jana kung sino ang best dad sa kanya, tatlo ang sagot niya: una, ang talagang dad niya; pangalawa, si Zanjoe at pangatlo, si Ketchup.

Co-starring pa rin sa serye sina Sylvia Sanchez, Nyoy Volante, Vandolph Quizon, Rommel Padilla, Steven de Guzman, Mercedez Cabral, at Pooh. Ang Ningning ay sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Alden malayo na ang narating

Wow, ha! Grabe ang response at kilig ng masa kina Yaya Dub at Alden Richards. Ang cute nila sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga. Malayo na ang narating ng aming Golden Boy na si Alden. Pero mas lalong grabe na si Yaya Dub. Ang ganda nitong babaeng taga-Bulacan na may hawig kay Pops Fernandez. Ang kinis ng kutis niya. E, pogi rin si Golden Boy Alden. Edukado at galing sa descent family. Si Alden ay sa Phase 1 ng Golden City, Sta. Rosa, Laguna nakatira pero tila sa Q.C. na siya ngayon. Neighbors sila ni Mark Herras.

Vandolph mahilig mandura noon

Noong bata pa si Vandolph Quizon, very naughty siya. Sabagay, ganyan ang mga bata. Suplado. Hindi siya puwedeng kausapin, kundi duduraan ka niya. Ako nga naduraan niya dahil hinipo ko ang pisngi niya. Mabango naman ang kanyang dura.

Sa presscon ng Ningning sa ABS-CBN canteen nagkita kami, naikuwento ko ang kanyang dura sa mukha ko. “Sorry po”, sabi niya.

Happy kami dahil marami siyang lalabasang TV series. Kahit hindi big role, tinatanggap niya. Pangaral daw ng Daddy niya, ang late Comedy King na si Dolphy, wala sa big role ang galing at popularidad ng isang artista. Trabaho ‘yan, at nakadaloy na sa kanyang ugat ang dugong artista.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG NINGNING

COMEDY KING

DAD

DREAM DAD

NINGNING

NIYA

VANDOLPH QUIZON

YAYA DUB

ZANJOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with