^

Pang Movies

May laman ang utak dahil sa kakabasa ng libro Nadine ka-level na nina Lea, Anne, Toni at Heart!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala na talagang makakapigil sa pagratsada ng career ni Nadine Lustre. Aba sunud-sunod ang bago niyang endorsement na ang pinaka-latest ay ang Creamsilk. Ka-level na siya nina Lea Salonga, Anne Curtis, Toni Gonzaga and Heart Evangelista.

Kung sabagay, ang laki kasi talaga nang ginanda ni Nadine. Bukod pa sa magaling siyang magsalita at magaling sumagot sa interview.  In other words, may utak hindi lang basta ganda.

Sa isang interview sa tatay ni Nadine, nabanggit nito na bata pa lang talaga palabasa na ng libro ang anak kaya naman kita ang katalinuhan nito.

Anyway, sa Lunes na mapapanood ang kakaibang kwento ng pamilya, pangarap, at pag-ibig ang magbibigay kulay sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa pagsisimula ng ‘most romantic teleserye’ ng taon na On The Wings Love na pagbibidahan ng isa sa pinakasikat na love team sa bansa na sina James Reid at Nadine.

Sa kanilang kauna-unahang teleserye, bibigyang buhay ni Nadine ang karakter ni Leah, isang dalagang puno ng pangarap na nais makarating ng Amerika para makatulong sa kanyang pamilya. Gagampanan naman ni James ang papel ni Clark, isang binata na lumaki sa Amerika na nais bigyan ng magandang buhay ang mga kapatid na nasa Pilipinas matapos mamatay ang kanilang ina.

Sa pagtupad ng kanyang American dream, haharapin Leah ang isang malaking problema dahil sa nalalapit na pag-expire ng kanyang visa. Upang manatili sa bansang kanyang pinapangarap, makikipagkasundo si Leah sa American citizen na si Clark na magpakasal kapalit ng perang kinakailangan nito.

Paano babaguhin sina Leah at Clark ng kanilang kasunduan na magpanggap bilang tunay na nagmamahalan?

Sa ilalim ng direksyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin, ang On the Wings of Love ay binubuo ng ilan sa pinakahinahangaang aktor sa industriya kabilang sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casino, Nanette Inventor, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia, at Cherry Pie Picache.

Ang On the Wings of Love  ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga top-rating teleserye kabilang ang  Nathaniel at Inday Bote. (SVA)

vuukle comment

ALBIE CASINO

AMERIKA

ANDREI GARCIA

ANG

ANG ON THE WINGS OF LOVE

ANNE CURTIS

ANTOINETTE JADAONE

BIANCA MANALO

CHERRY PIE PICACHE

LEAH

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with