^

Pang Movies

Power hug ni Sarah kay Matteo pinagpipiyestahan, tuloy ang pagkakalat

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hanggang ngayon ay napakarami pa rin ang  kinikilig sa power hug video nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Cobra Ironman 70.3 triathlon race na ginanap sa Cebu last Sunday.

Paulit-ulit na sine-share ng netizens sa social media ang video kung saan ay makikitang patakbong sumalubong si Sarah sa boyfriend nang nasa finish line na ito at binigyan ng mahigpit na yakap.

May ilang segundo ring magka­yakap ang dalawa at pagkatapos ay hinalikan ni Matteo si Sarah sa pisngi. Kitang-kita rin ang kasiyahan sa aktor nang sandaling iyon.

In fact, pinagpipistahan din ang post ni Matteo sa kanyang Instagram account na “not my best race but definitely my best finish ever”.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Matteo, ayon sa aktor, talagang ikinatuwa niya ang pagsalubong ni Sarah sa kanya sa finish line.

“(It was) not my best race, in fact, one of my worst races but my best finishes. I never had anybody wait for me at the finish line, which was my mom or my family members but this time, it was my girlfriend. It was very special,” pahayag ni Matteo sa kanyang panayam.

It was reported na kasama rin ni Sarah sa Cebu trip ang ina niyang si Mommy Divine pero hindi raw ito nagpakita sa venue ng competition.

Kahit nagulat at hindi naisip na makaka-trabaho Shaina todo entertain nang makasama si John Lloyd

Aminado si Shaina Magdayao na hindi niya ini-expect ang paggi-guest ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz sa Nathaniel.

“Siguro, parang nagulat lang ako when I found out that he wanted to guest on the show kasi parang hindi ko siya nakita na mangyayari,” say ni Shaina sa kanyang panayam na inere sa Bandila.

Ipinaalam ba sa kanya (ng produksyon)?

“Oo ipinaalam naman nila sa akin. So when I saw him, I said “Hi!” And then I said, “welcome to our set”.

Ayon naman kay Lloydie, hindi raw pumasok agad sa isip niya na nasa Nathaniel nga pala si Shaina.

“Kasi, parang wala na po talaga ‘yun, eh, di ba? Hindi na siya. . .eh pagdating ko, hindi ko siya nakita, siya pa ‘yung nag-welcome sa akin sa set,” say ni Lloydie.

Last Tuesday ay nagpaalam na ang karakter ni Lloydie sa Nathaniel pagkatapos siyang barilin ng karakter ni David Chua.

Noong una pa naman ay talagang sinabi na ni Lloydie na four taping days lang siya sa Nathaniel dahil nga may mga iba rin siyang commitments.

Keri Beks sinugod!

Sumugod sa Smart Araneta Coliseum last Tuesday (Aug. 4) ang mga beki dahil sa event na in-organize ni Korina Sanchez, ang Keri Beks, The First Gay Congress. Talagang napuno ng gays ang buong coliseum at nag-enjoy sa napakagandang show na inihanda para sa kanila.

Nagningning din ang Big Dome sa rami ng mga sikat na artistang dumalo. Siyempre, hindi mawawala ang gay icon na si Vice Ganda na siyang finale ng show.

Nagpakita rin ng mainit na production number si Anne Curtis with her Beyonce medley with matching tango outfit.

Dumating din ang Diamond Star na si Maricel Soriano at nag-perform ng kanyang trademark songs na I Am What I Am and I Will Survive.

Naroon din si Martin Nievera na hinarana ang mga gay beauty queens mula sa iba’t ibang lugar.

Hosted by Rufa Mae Quinto, Arnell Ignacio and Chokoleit, halatang pinagplanuhan at pinaghandaan ang nasabing show.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE CURTIS

ARNELL IGNACIO AND CHOKOLEIT

BIG DOME

HINDI

KERI BEKS

LLOYDIE

MATTEO

NATHANIEL

SHAINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with