^

Pang Movies

Mga misterless misis rarampa, hindi susuko sa kanilang pinagdaraanan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa Agosto 9 na magbubukas sa TV5 ang isang naiibang sitcom na magtatampok sa ilan sa mga pinakamalalaking pangalan sa industriya para gumanap bilang mga modern at empowered women na handang harapin ang mga kadalasan ay nakaaaliw at nakakatawang sitwasyon na nagbibigay kulay sa kanilang buhay bilang mga Misterless Misis.

Tampok sa Misterless Misis ang pagsasama-sama sa kauna-unahang pagkakataon nina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Ritz Azul, kasama si Mitch Valdez at Ruffa Gutierrez, at ang showbiz newcomer na si Andie Gomez. Bibigyang buhay nila ang anim na magkakaibigan na sabay-sabay humaharap sa responsibilidad nila bilang ina, breadwinner, at bilang matatag na Misterless Misis sa paraang magpapatawa sa mga manonood.

Gagampanan ng multi-awarded actress na si Lorna Tolentino ang papel ni Jenny, ang career oriented woman na pagod na pagod pagdating sa pag-ibig. Si Lorna Tolentino ay bubuhay sa karater niyang si Jenny sa pagpapakita ng kakayahan niya sa komedya.

Samantala, si Gelli De Belen ay gaganap bilang Lisa, isang asawa ng OFW na pinapaulanan ng chismis tungkol pangangaliwa ng kanyang asawa.

Ang homegrown TV5 actress na si Ritz Azul naman ay gaganap bilang Mia, ang sexy at misteryosang babaing bagong lipat sa kanilang lugar. Pagmumulan naman ng bulungan at tsismis sa mga kapitbahay ang iba’t ibang mga lalaki na pumupunta sa bahay ni Mia.

Ang seasoned performer na si Mitch Valdes ay gaganap bilang Elsa, ang bagong biyudang na nahihirapan makapag-move on sa pagkamatay ng kanyang asawa. Kasama rin sa cast ng Misterless Misis ang showbiz newcomer na si Andie Gomez na gaganap bilang Tiny, ang anak ni Elsa na nabuntis sa pagkadalaga. Sa kabila ng kanyang malusog na pangangatawan, malaki ang kumpyansa ni Tiny at pakiramdam niya ay maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya.

Kumukumpleto sa cast ng Misterless Misis ang showbiz royalty na si Ruffa Gutierrez na gaganap bilang Diana, hiwalay sa asawa ngunit hindi sumusuko sa paghahanap ng kanyang Mr. Right. Naniniwala si Diana na walang nasusulat saan man na isang tao lamang ang pwedeng mahalin ng isang babae habang siya’y nabubuhay.

Sa ilalim ng direksyon ni Direk Mark Meily, mapapanood ang Misterless Misis tuwing Linggo, simula Agosto 9, 9 p.m. sa TV5.

vuukle comment

ANDIE GOMEZ

ANG

BILANG

DIREK MARK MEILY

ELSA

GELLI DE BELEN

LORNA TOLENTINO

MGA

MISTERLESS MISIS

RITZ AZUL

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with