^

Pang Movies

Wally bawing-bawi na sa sex video scandal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nabigyan ng second wind ang television career ni Wally Bayola pagkatapos nga na ma-involve siya sa isang sex video scandal noong 2013.

Inamin ng komedyante na naisip niyang mag-iba na ng career nang tanggalin siya sa noontime show na Eat Bulaga at pati na rin sa mga live shows niya sa comedy bars.

Inisip kasi ni Wally ang kanyang mga anak kapag hindi siya maka-provide sa mga ito.

Inabot din ng isang taon na hindi napanood sa TV si Wally.

Mabuti na lang at nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Eat Bulaga. Malaking tulong daw sa kanyang pagbabalik ay ang kaibigan niyang si Jose Manalo.

“Kaya malaki ang utang na loob ko kay Jose. Dahil siya ‘yung naging tulay ko para muli akong makabalik sa show.

“Pinagdasal ko talaga na mapatawad nila ako sa nagawa ko.

“Labis akong nag-sorry sa mga bumubuo ng show, lalo na sa mga televiewers na alam kong na-disappoint sa akin.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinagbigyan tayo.

“Nangako ako na mas magiging maingat na ako. Ayokong muling maranasan ang pangyayaring iyon,” diin ni Wally.

Ngayon ay patok na patok si Wally bilang si Lola Nidora, ang hadlang sa pagmamahalan ng AlDub loveteam nila Alden Richards at Yaya Dub.

Hindi nga inasahan ni Wally na kakagatin ng kanilang televiewers ang AlDub loveteam.

“Phenomenal iyon. Talagang hindi namin ini-expect na aabangan nila ang mga nangyayari sa dalawa,” ngiti pa ni Wally.

Kasama rin si Wally sa bagong GMA Sunday musical-comedy show na Sunday PinaSaya na magsisimula na sa August 9.

Jennylyn malakas lumamon

Nakakatuwang makitang kumakain ng normal si Jennylyn Mercado.

Kahit sobrang sexy ngayon ang bida ng teleseryeng My Faithful Husband, inamin niyang hindi siya nagda-diet at malakas pa rin daw siyang kumain.

“Dinadaan ko sa workout. Kapag alam kong naparami ako ng kain, the next day todo workout na ako.

“Minsan naman kapag sunud-sunod ang mga trabaho natin, may times na nakaka-skip ako ng meal. Paunti-unti lang ang kain ko.

“Kung ano naman ang nasa set na food, hihingi ako ng konti para lang hindi ako magutom.

“Kaya wala akong diet secret. Normal ako kumain talaga,” pagmamalaki pa niya.

Kaya naman healthy tingnan ang pagiging sexy ni Jen at hindi tulad ng ibang aktres na hindi kaaya-aya tingnan ang pagiging payat ng mga ito.

Isang dahilan raw kung bakit kailangan ay may konting laman ang katawan ni Jen ay dahil siya ang bagong celebrity endorser ng AVON intimate apparels.

Nag-photo shoot na si Jen para sa mga bagong ilalabas na ladies undergarments ng AVON. Naging malaking tulong nga ang pagiging Sexiest Woman niya sa FHM kaya nakuha niya ang endorsement na ito.

Bukod sa My Faithful Husband with Dennis Trillo, magsisimula na ulit ang bagong season ng cooking show ni Jen na Sarap With Family sa GMA News TV. Uupo rin si Jen bilang judge sa pagbabalik ng Starstruck.

Dalawang movies din ang tinatapos niya. Ito ay ang The Pre-Nup with Sam Milby at Walang Forever with JM de Guzman.

Hollywood actor na si Ben Affleck nagsalita na

sa pagka-na-in love sa yaya ng mga anak

ChismisItinanggi ng Hollywood actor na si Ben Affleck na nagkaroon siya ng relasyon sa yaya ng kanyang mga anak na si Christine Ouzounian.

Ang naturang yaya raw ang naging dahilan kung bakit naghiwalay si Ben at ang misis niyang si Jennifer Garner.

Ilang buwan pa lang daw nagtatrabaho bilang nanny si Christine kina Ben at Jennifer, pero sinabi nito na naging intimate daw sila ng aktor.

Ayon sa report ng People magazine, alam daw ng mga kaibigan ni Christine ang tungkol sa affair nito with Affleck.

Pero super-deny si Affleck sa pinagsasabi ng 28-year old nanny. Nagpapahayag nga ito sa media na ang balitang iyon ay “complete garbage and full of lies.”

Wala raw romantic or sexual relationship na nangyayari sa kanilang dalawa.

Pero sa nasagap na information ng People, nagsimula raw ang secret affair ni Ben kay Christine noong nakaraang spring. Sa Hotel Bel Air pa raw sila nagtatagpo ng palihim.

“It’s been going on for a long time. For Christine, it was a relationship. A friend warned her she was going to end up heartbroken,” ayon pa sa isang kaibigan ni Christine.

May photo pa raw si Christine na nakakandong ito kay Ben at naghahalikan sila.

Nalaman daw ni Jennifer Garner tungkol sa affair na ito ni Ben at ng kanilang yaya noong  nagbakasyon sila sa the Bahamas. Doon na nagdesisyon ang dalawa na mag-divorce.

Kung totoo ito, kabilang na si Ben Affleck sa mga cele­brity husbands na nagkaroon ng intimate relationship sa yaya ng kanilang anak tulad nila Robin Williams, Jude Law, Ethan Hawke at Arnold Schwarzenegger.

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BEN

BEN AFFLECK

EAT BULAGA

HINDI

ITO

JENNIFER GARNER

KAYA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with