^

Pang Movies

Dennis umaming may nakakatabi na uli sa kama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napangiti na lamang si Dennis Trillo nang siya ang kulitin ng entertainment press after the launch and presscon ng My Faithful Husband sa GMA-7, tungkol sa tunay na relasyon nila ni Jennylyn Mercado.  Ayaw daw kasing magsalita ni Jennylyn at si Dennis na raw lamang ang tanungin.  So, ano ba ang totoo, nanliligaw pa lamang ba siya muli o sila na ulit? Or sinabi ba niya talagang “love is lovelier the second time around?”

“Okey na ang samahan namin ni Jen,” sagot ni Dennis. “Nakatulong din siguro iyong bago kami nag-ta­ping madalas na kaming magkasama sa gym, lumalabas kami para mag-dinner.  Ayaw na muna naming ga­wing kumplikado ang buhay namin, basta happy kami at hindi nawawala ang pagpapahalaga namin sa isa’t isa.

“We support each other dahil medyo ma­hirap ang role namin sa bago naming soap.  Masaya nga ako dahil bumalik na ako mu­li sa dati kong mga role na ako ang inaapi, pero may kaba rin kung paano tatanggapin ng televiewers.  Salamat din kay Direk Joyce Bernal dahil inaalagaan niya kami sa mga eksena namin ni Jen.”

Totoo ba ang sinabi ni Bb. Joyce na may mga sizzling scenes sila sa story.

“Siyempre, nandyan ang number one se­xiest woman, pero wala pa naman kaming naiti-tape na ganoon, maliban iyong pictorial namin in bed para sa poster at brochure ng My Faithful Husband.  Abangan na lamang ninyo kami sa August 10, sa GMA-7 telebabad, after ng Beautiful Strangers.

Baguhang artista na si Kevin type na type sina kim at liza

Mahilig pala sa chinita ang bagong mag-aartistang si Kevin Poblacion, kaya si Kim Chiu ang paborito niya among the Star Magic talents ng ABS-CBN. Gusto rin niya si Liza Soberano pero iba raw ang dating ng beauty nito sa kanya.  Kasalukuyan kasing nagwu-workshop sa Star Magic under Direk Ryan Carlos ang 19-year-old Pinoy na born and raised sa Vancouver, Canada, pero ang parents niya ay mula sa Padiangan, Iloilo.  Two years din daw siyang nag-stay sa Iloilo para makita niya ang buhay-Pinoy, pero bumalik din siya sa Canada for his studies hanggang makatapos siya ng Tourism sa Canadian Tourism College.

Mahilig siya mag-artista at hindi naman tumanggi ang parents niya na bumalik siya ng Pilipinas at mag-try ng luck sa showbiz dito sa bansa.  Kevin is being managed by Boy Palma, manager ni Superstar Nora Aunor at tinutulungan nina Direk Ronald Carballo and veteran writer Ces Evangelista.  Kasabay ng acting workshop ni Kevin, nag-aaral din siya ng Tagalog at voice lesson.  Siyempre pa, gusto ni Kevin makasama sa isang mainstream ­m­o­vie ang paborito niyang si Kim Chiu.  Gusto rin ni Kevin ma-meet ng personal sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na madalas niyang mapanood sa GMA Pinoy TV sa Vancouver.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

BEAUTIFUL STRANGERS

BOY PALMA

KEVIN

KIM CHIU

NBSP

PINOY

SHY

STAR MAGIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with