^

Pang Movies

MTRCB hindi masaway ang ibang programa ng ABS-CBN at GMA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ipinatawag ng MTRCB ang mga kinatawan ng ABS-CBN dahil sa kanilang palabas na Pinoy Big Brothers dahil sa mga lumabas na mga video ng ilang housemates na mukhang wala sa ayos. Tapos isinailalim iyon sa rating na SPG. Pero ibinalik na raw ulit sa PG ngayon. Tapos noong isang araw naman, ang mga taga-GMA 7 naman ang kanilang ipinatawag dahil sa isang show na gumamit ng salitang kabit na sa pani­ngin nila ay wala sa ayos na marinig sa isang show sa telebisyon.

Pero hindi lang iyan ang masasabi nating nakakalusot. Marami pang mga tv drama na wala sa ayos. Noong minsan iyon, may isang drama na katanghaliang tapat pa, ang subject ay ang agawan ng ina at anak na bakla sa isang lalaki. Tapos minsan may napanood din naman kaming ang istorya ay ang pakikipagkasundo ng isang lalaking may kapansanan sa kanilang driver para makipagtalik sa kanyang asawa habang siya ay nanonood. At napapanood iyan pagkatapos ng isang game variety show sa tanghali. Papaano mo ipaliliwanag ang mga ganyang kuwento sa isang bata, kahit na sabihin mo pang bibigyan mo iyan ng SPG ra­tings?

Iyang ganyang mga shows ay hindi sapat na lagyan lang ng SPG ratings. Dapat iyan inilalagay sa mga late night hours. Ilagay ang mga ganyan pagkatapos ng mga public affairs show kung gabi. Ilagay nila pagkatapos ng Walang Tulugan ni Kuya Germs, mas ayos iyon dahil siguradong hindi na mapapanood ng mga bata na maaaring maguluhan ang isipan kung mapapanood ang mga ganyang bagay.

Noong araw naman ganoon ang Movie and Te­levision Review and Classification Board (MTRCB) eh. Hindi lang nagpapabawas ng con­tent ng show kung talagang lumalampas na sa limit, naipapalipat din nila iyon sa mga mas late na time slot. Eh ngayon masyadong maluwag yata ang MTRCB. Panay lang ang patawag nila sa isang mandatory confe­rence pero para ano kung naipalabas na iyong questionable segments?

Hindi rin kagaya noong araw na makalusot man sa Metro Manila, mahaharang pa sa probinsiya. Ngayon hindi na dahil simultaneous satellite broadcast na tayo eh.

Sabihin ninyo ngayon, ang mga kabataan naman sa Maynila iba na rin ang takbo ng isip. Eh papaano iyong mas maraming nasa probinsiya? Aywan kung anong aksiyon ang magagawa ng MTRCB. Huwag naman sana silang maging inutil sa mga bagay na iyan.

Natatakot itiwalag mga taga-media na kasapi sa INC, tikom ang bibig!

Nagpaliwanag pa ang magka-tandem na sina An­thony Taberna at Gerry Baja, na bilang mga ka­sapi ng INC, hindi sila makapag-kumentaryo sa mga nangyayari sa kanilang Iglesia. Noong unang pumutok ang istorya, isang oras na delayed ang pagpasok ni Dj Richard Enriquez, dahil siguro ayaw niyang makihalo sa usapan, o siya pa ang tumanggap ng mga report ng Radyo Patrol dahil  siya rin ay isang member ng INC. Ayaw nilang ma-kompromiso.

Pero sina Gladys Reyes at ang asawa niyang si Christopher Roxas, nanindigan pabor sa Iglesia. Sinasabi nilang hindi sila apektado ng sinasabi ng mga dati nilang mga kasama, pati ng mga ministrong umalis, at nananatili silang sumusunod sa pamunuan ng Iglesia.

Ang iba pang mga artistang kasapi rin ng Iglesia ay puro nanahimik lamang.

Pero may isang artista na umamin sa amin, kampi naman siya sa pamilya Manalo, at nagpadala pa nga raw siya ng pagkain at mineral water sa pamilya. Pero ayaw niyang pabanggit ng kanyang pangalan dahil delikado raw at baka pati siya ay matiwalag. Pero hindi raw niya matatalikuran ang katotohanan na malaki ang kanyang utang na loob sa pamilya ng yumaong Ka Erdy.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHRISTOPHER ROXAS

DAHIL

DJ RICHARD ENRIQUEZ

HINDI

ISANG

MGA

NOONG

PERO

TAPOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with