^

Pang Movies

Mas gusto ang kabaklaan nina Dennis at Tom katomboyan ni Rhian hindi masyadong kinagat

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa August 3 ang last taping ng The Rich’s Man Daughter na pinagbibidahan ni Rhian Ramos.

May temang katomboyan ang nasabing teleserye ng GMA 7, pero hindi ito masyadong pinag-usapan at naging kontrobersiyal.

Mas pinag-usapan at naging kontrobersiyal ang teleserye nila noon na My Husband’s Lover na may temang kabadingan at pinagbidahan nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana.

I just wonder – magkaroon kaya kaagad ng follow-up primetime teleserye si Rhian sa Kapuso network after ng The Rich’s Man Daughter?

Robin namana ang galing sa pagsagot nina Pops at Martin

Touched si Robin Nievera nang sabihan siya ng entertainment press sa group interview nila para sa Next Attraction: The Repeat na ang tatay niyang si Martin Nievera ang isa sa pinakamabait na showbiz personalities.

Puro mga papuri tungkol sa kanyang tatay ang narinig ni Robin.

Pati ang pagiging ma-PR ng nanay niyang si Pops Fernandez ay pinuri rin ng entertainment press na nakatsikahan ni Robin.

Hindi pa masyadong sanay si Robin sa pakikipagtsikahan sa entertainment press, pero katulad ng kanyang famous parents, magaling din sa pagsagot ang panganay nina Martin at Pops.

Samantala, sa Music Museum pa rin ang repeat ng successful concert nina Robin, Paolo Valenciano, Isabella (anak ni Kuh Ledesma) at Karylle Yuzon. Magaganap ‘yon sa August 14 and 15.

Annabelle ayaw aminin ang totoong edad

Ang pilot telecast mamayang 9:00 p.m. ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality TV series ng pamilya Gutierrez na unang mapapanood sa E! Asia.

Maraming drama, katatawanan, at tensiyon sa bagong season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez kaya dapat tutukan ‘yon.

Sayang at walang cameras ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang nakatutok sa amin ni Bisaya kahapon nang kumain kami sa isang Thai restaurant sa The Fort, Taguig City.

Nang magbabayad na kasi si Bisaya ng bill namin, hindi niya maipakita ang kanyang senior citizen card dahil naiwan niya sa isang bag niya.

Kahit na ano’ng klaseng identification card ay walang dala si Bisaya, kaya binanggit na lang niya ang kanyang birthdate.

Sabi ko kay Bisaya, ang bilis talaga ng panahon dahil magsi-63 na siya sa taon na ito.

“Sixty pa lang ako!” sagot kaagad ni Bisaya.

“Tita, magsi-63 ka na sa birthday mo, anong 60?!” pagkontra ko naman.

Anyway, tiyak na maraming matutuwa kay Bisaya kapag nanood ng It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil “comedienne” talaga siya sa totoong buhay!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BISAYA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

IT TAKES GUTZ

KARYLLE YUZON

KUH LEDESMA

MAN DAUGHTER

MARTIN NIEVERA

MUSIC MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with