^

Pang Movies

Pero gagawin daw ang lahat para lumigaya sila Matteo nagparinig na namang hindi madaling karelasyon si Sarah

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang pakialam si Matteo Guidicelli na ipa­nga­landakan sa kanyang Instagram account ang pagbati ng pagmamahal sa girlfriend na si Sarah Geronimo sa eve ng kanyang birthday nu’ng Sabado.

“Before the night ends I would like to say HAPPY HAPPY BIRTHDAY to the person I love so dearly. Your happiness is contagious and your pre­sence has been life changing. I will do my best to fill your life with sincere limitless JOY. Things are not easy but with Love, everything is possible. Happy birthday!!!!!!!!” message ni Matteo.

Hayan, may nabanggit na naman si Matteo na “things are not easy,” huh! Naku, baka pagmulan na naman ‘yan ng iba’t issues sa relasyon nila, huh!

Twenty seven years old na si Sarah nu’ng Sabado at kung pumapasok na sa utak niya ang settling down, well, nasa marrying age na naman siya!

Eh, knows naman ng lahat kung ano ang humahadlang sa Pop Princess, noh!

Richard hindi sigurado kung gustong ‘ipatikim’ si Sarah sa iba

Natigilan si Richard Gutierrez nang matanong kung papayagan niyang makipag-love scene ang partner na si Sarah Lahbati sa projects na gagawin sa Viva Films. Contract star na kasi ang dating Kapuso actress kaya alam niyang sooner ay mabibigyan siya ng projects ng bagong management firm niya.

Natanong kasi sa dalawa ‘yon sa press launch ng reality show ng pamilya na It Takes Gutz to be a Gutierrez na mapapanood ngayong 9 p.m. sa E! Channel.

“Alam mo, ang sagot diyan…usual na sagot, professional naman kami, ganyan, ganyan. Alam niyo na ang sagot! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Chard habang katabi si Sarah.

Sagot naman ni Sarah, “’Yun na ‘yon! Alam niyo na ‘yon!” saad ni Sarah.

“Pag-uusapan namin ‘yan. Siyempre, depende rin ‘yon. Tingnan natin. ‘Pag dumating na ang panahon na ‘yon, pag-uusapan natin,” sagot ni Ri­chard.

Dahil matagal nang walang nagawang teleserye, aminado si Chard na nami-miss niya rin ang paggawa nito. ‘’Yun nga lang, mas nananaig ang pagmamahal niya sa anak na si Zion.

“Open naman ako sa teleserye as long as it’s a good project and worth my time. Kasi siyempre, ngayon, isang araw ko lang na hindi makita si Zion, parang bumibigat na ‘yung…Parang gusto ko siyang makita palagi.

“Kasi nga, ‘yung personality niya, lumalabas na. Nakakausap ko na siya. Nag-uusap na kaming da­lawa. So parang ngayon pa lang ‘yung first stage na nakakausap ko si Zion. I’m very happy about that.

“’Yung time kasi na kailangan mong i-devote sa teleserye, talagang serious time talaga. ‘Yun lang ang puwede mong gawin. Kung maganda ‘yung project at puwedeng pasunurin sa set si Zion paminsan-minsan, why not? “paliwanag ni Chard.

“Same with Chard. Everytime we go out, go work, it’s so hard to leave Zion at home. We miss him right away.

“But then I miss acting. I’ve always loved acting. But as much as possible, I wanna bring Zion if I can,” sey naman ni Sarah.

May balak bang sundan agad si Zion?

“Siguro ayoko lang ng malayo ang gap nila. We’re kinda planning our future!” pahayag pa ng aktres.

Aktres hindi matanggap ng mga anak ang non-showbiz na karelasyon

Minamalas daw sa pag-ibig ang isang malaking bulas na aktres. Sa tuwinang magkakaroon siya ng non-showbiz boyfriend ay lagi na lang may hadlang sa kanilang love affair, huh!

Sa bagong pag-ibig ngayon ng aktres, wala namang sabit dahil annulled na ang kasal ng lalaki sa unang asawa. Pero hindi pa rin payapa ang aktres kahit na nga mahal na mahal siya ng non-showbiz boyfriend, huh!

Ang sakit sa dibdib ng aktres ay ang mga anak sa unang asawa ng boyfriend. Hindi raw siya gusto ng mga dyunakis. Kaya naman todo ang pakikibagay niya sa mga anak upang mahulog ang loob sa kanya. Eh, mayaman ang non-showbiz boyfriend niya kaya hindi maiwasang isipin ng mga anak na datung lang ang habol sa may edad na boyfriend!

Bago ang current boyfriend ng aktres, nagkaroon din siya ng non-showbiz guy pero may tinik din sa kanilang pagmamahalan. Mga magulang naman ng lalaki ang may ayaw sa kanya, huh!

Wish nga raw ng showbiz friends ng aktres, matapos na ang jinx na ito sa lovelife niya nang sa gayun eh, maging peaceful na ang bago  niyang relasyon!

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ALAM

ANG

IT TAKES GUTZ

KASI

LANG

NAMAN

NIYA

SARAH

YUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with