^

Pang Movies

Maja napagod at nadurog kay Gerald, gusto munang ipahinga ang puso

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa farewell presscon kahapon ng Bridges of Love ay sinabi ni Maja Savador na wala pa s­iyang bagong pag-ibig ngayon dahil gusto na muna n­iyang ipahinga ang kanyang puso. “Gusto ko munang bumawi sa sarili ko,” say niya. “Parang ang dami ko ring gustong gawin at parang wala rin akong time for love. Parang ngayong taong ito, ang dami kong gustong gawin para sa akin sa sarili ko.”

Napagod ba siya? Hindi agad nakasagot si Maja at tumango na lang siya sabay-tawa. Of course, kahit walang binabanggit na pangalan, everybody knows na ang break-up nila ni Gerald Anderson ang pinag-uusapan. “Alam n’yo naman po ‘yung huli kong relasyon, hindi naman po naging ganun kadali,” paliwanag pa niya.

So, napagod siya talaga? “Nadurog naman kasi ako do’n,” pag- amin pa niya. “Pero ngayon okay ako,” say pa niya. Kung nadurog siya, mayroon na bang bumubuo sa kanya? “Ako po mismo. Kailangan ako po, sarili ko,” she said.

Samantala three weeks na lang ang Bridges of Love at kaabang-abang daw ang mga natitirang episodes dahil marami pang magagandang eksenang mapapanod kina Maja, Jericho Rosales, Paulo Avelino, Edu Manzano, Carmina Villaroel and the rest of the cast.

Luis nag-enjoy sa basher na tumawag sa kanya ng bading

Hindi na napigilan ni Luis Manzano ang sarili at pumatol na rin sa isang basher niya na tinawag siyang gay sa kanyang Twitter account.

Sunod-sunod ang pang-aalaska ni Luis sa kanyang basher at ipinost pa niya ang picture nito. May nag-akala na baka na-hack ang kanyang account pero nilinaw niya agad na siya talaga ‘yun.

“Guys, my twitter wasn’t hacked, you guys know me, once in a while, it’s ok to fight back J it’s fun! It makes me laugh when I’m bored J,” pagli­linaw ni Luis.

In fairness, ang daming sumuporta at nagdepensa sa aktor/TV host sa ginawa n­iyang pagpatol sa basher.

Maging ang mga taga-showbiz ay kumampi sa kanya at nagsabing tama lang ang ginawa niya. Ilan sa um-agree ay si Bianca Gonzalez at Jake Cuenca.

Say ni Bianca sa comments section, “Bashing is part of “public life”, pero agree ako na minsan pwede din sumagot para malagay sa lugar ang ibang nambabastos.”

Ayon naman kay Jake, “I agree with Luis #freedomofspeech!”

Tweet pa ni Luis, “the gay issue is nothing new”.

Ipinaliwanag din niyang hindi raw siya nakikipag-giyera.

“Di naman gera ‘yun, it was just having a good laugh with someone filled with hate J it was fun for me J,” tweet niya pa.

Sa gitna nito ay tinanong siya kung tatakbo ba siya sa 2016 elections at ang reply niya, “good question J still uncertain J.”

Ang nakakaaliw, ang basher ni Luis ang sumuko at nagpalit na raw ng user name.

Jana hindi na naalala ang pagiging aNak ni Zanjoe

Napaiyak ang child star na si Jana Agoncillo sa grand presscon ng Ningning last Tuesday night. Tila na-pressure ang bata nang papiliin siya kung sino ang mas magaling na gumanap na daddy between Zanjoe Marudo and Ketchup Eusebio.

Si Zanjoe ang gumanap na ama ni Jana sa Dream Dad at ngayon sa Ningning ay si Ketchup naman ang gumaganap na daddy niya.

Ang sagot ni Jana ay “si Kuya Ketchup po” pero nang ipaalala sa kanya na dati ay sinabi niyang si Zanjoe ang best dad, dito na hindi nakasagot ang bata hanggang sa mapaiyak na.

Maagap naman si Beauty Gonzalez at niyakap niya agad si Jana. Inalo-alo niya ang bagets hanggang sa tumahan ito.

Maya-maya naman ay naging okay na si Jana at tumatawa na. Kaya nang nasa mood na siya ay natanong ulit siya. She was asked kung ano ang kanyang dream at ang press naman ang natawa sa kanyang sagot.

Noong una, say niya, gusto niyang maging teacher. Pero pinalitan niya ito agad.

“Ay, gusto ko pong maging Mayor,” bulalas niya.

Saang lugar?

“Mayor po ng Makati,” sagot na naman niya.

When asked kung bakit gusto niyang maging Mayor ng Makati, say niya, “wala lang po, gusto ko lang po talaga.”

Nagtawanan na lang ang press.

Samantala, magsisimula na ngayong July 27 ang Ningning sa da­ting time slot ng Oh My G na magtatapos ngayong araw, Biyernes.

Bukod kina Jana, Beauty and Ketchup, kasama rin sa Ningning sina Sylvia Sanchez, Valdoph Quizon, Nyoy Volante, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Pooh and Steven de Guzman mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTY AND KETCHUP

BRIDGES OF LOVE

JANA

LUIS

NAMAN

NBSP

NINGNING

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with