^

Pang Movies

Hindi April Fools Day joke TESDA Sec. in-appoint na spokesperson ni P-Noy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi naman siguro April Fools Day joke ang balita na kumalat kahapon na si TESDA Secretary Joel Villanueva ang bagong spokesman ni P-Noy dahil qualified siya sa puwesto ni Secretary Sonny Coloma.

Nang makausap si Papa Joel ng entertainment press sa showdown nila noon ni Chef Boy Logro, sinabi niya na hanggang October 2015 na lang ang kanyang panunungkulan sa TESDA. Hindi pa yata alam noon ni Papa Joel na may plano si P-Noy na i-appoint siya bilang spokesman ng Malacanang Palace.

Maugong ang tsismis na may balak si Papa Joel na kumandidato bilang senador sa 2016 kaya pabor sa kanya ang bagong posisyon na ibinigay ni P-Noy.

LT magpapalipas ng holy week sa Vera Grace farm

Bumisita si Lorna Tolentino sa kanyang Vera Grace Farm sa Ge­neral Aguinaldo, Cavite. Kung hindi ako nagkakamali, palilipasin ni LT ang Holy Week sa kanyang farm na masarap na puntahan kung hindi ako mainipin sa biyahe.

Malaki na ang improvement ng farm ni LT mula nang puntahan ko ang blessing nito. Maraming tanim na pinya at dragon fruit sa Vera Grace farm na may mga kuwarto na five star ang quality.

Perfect ang farm ni LT para sa mga tao na naghahanap ng serenity sa buhay. Hindi na nila kailangan na sumakay ng eroplano at tumingin sa clouds para ma-achieve ang kapayapaan na gusto nila.

Suporta ni Muhammad Ali makakatulong kay Pacman

Pabor kay Manny Pacquiao na siya ang bet ni Muhammad Ali na manalo sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr.

Makakatulong ang suporta ni Ali para lalong ganahan si Papa Manny sa kanyang boxing training. Pero hindi dapat maging komportable si Papa Manny. Kahit siya ang bet na mag-win ng mga sikat na personalidad sa Amerika, solo pa rin niya ang laban. Mag-isa siya na makikipagbakbakan kay Mayweather kaya nakadepende ang lahat sa kanyang performance.

Dalawang pamilya ni Ogie magkakasama na naman

Magkakasama ngayong Holy Week sa Australia sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Michelle Van Eimeren at ang kanilang mga anak. Sa tuwing may libreng oras, nagpaplano agad ang tatlo ng bakasyon para magkasama-sama uli sila.

Mga dalagita na ang mga anak ni Ogie kay Michelle at may mga manliligaw na ang mga bagets. Hindi naman na-miss ni Ogie ang pagdadalaga ng kanyang mga anak dahil madalas ang kanilang pagkikita.

Jinggoy binawalang magpa-interview kahit lumabas ng kulungan

Namataan kahapon sa harap ng Cardinal Santos Memorial Medical Center ang mga TV crew at mga pulis kaya nagtatanong ang mga tao kung ano ang naganap sa ospital sa San Juan City.

Sa mga hindi nakakaalam, nagpa-check up kahapon si Senator Jinggoy Estrada sa nasabing ospital dahil sa pananakit ng balikat niya.
May permiso ng Sandiganbayan ang paglabas ni Papa Jinggoy mula sa Camp Crame pero pinagbawalan siya na magpainterbyu sa media at gumamit ng cell phone.

vuukle comment

ANG

CAMP CRAME

CARDINAL SANTOS MEMORIAL MEDICAL CENTER

CHEF BOY LOGRO

HOLY WEEK

MGA

MUHAMMAD ALI

OGIE

PAPA JOEL

PAPA MANNY

VERA GRACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with